Walanghiya talaga itong human rights na ito eh, hindi tinigilan ang mga kapulisan hanggat hindi sila huminto sa Oplan tokhang at Guerra kontra droga. Nagtulong tulong sila ng mga dilawan para isisi kay Duterte ang nangyayaring patayan, kaya itinigil ito ng hindi tapos.
Kaya iyan sunod sunod na nmn ang patayan, pang gagahasa at nakawan. Ganon din ang mga kabataang sangkot sa isang damakmak na krimen at pagkakaribok sa kalye.

Muli na namang namamayagpag ang mga sangkot sa droga…
Ngayong mga inosente nmn ang napapahamak tahimik sila na parang walang pakialam. Anong klaseng batas sila meron? Batas para ipag tanggol ang mga adik at mga pusakal na kriminal?
Bakit dumadami ang mga kabataang sangkot sa krimen at wala silang takot makipag patayan? Dahil iyan sa batas na isinulong ni Francisco “kiko” Pangilinan batas na kalagiman lang ang hatid sa kabataan.
Sana ibalik ang Oplan Tokhang at patibayin ang guerra kontra droga, para sa kabutihan ng nakararaming Pilipino na gusto ang tahimik na buhay. Iyong hindi natatakot gumala kung gabi at hindi nag aalalang matulog sa sariling tahana. Human Rights at LP (dilawan) tama na… bigyan din sana ninyo ng karapatan ang mga inosente.
