Natisod si tatay at natapon ang paninda nitong taho. Nakita ito ng mga estudyante at nagdesisyon na mag-ambagan para kay tatay.

Viral ngayon ang video ng pagmamalasakit ng mga estudyante sa isang matandang taho vendor.
Ayon sa uploader na si Dan Dais II, natisod si tatay at natapon ang paninda nitong taho.

Nakita nila ito at nagdesisyon na mag-ambagan upang makatulong na mabawi ni tatay ang nawalang paninda.

“Nakita na lang po namin si tatay na nakatapon na yung taho, at ayon po sa guard na nakakita, natisod at nadulas daw po si tatay kaya natapon yung taho na tinitinda niya.

Kaya po nagdesisyon kami mag-ambagan para mabawi naman ni tatay yung paninda nya.” ayon sa uploader na si Dan.
Ayon pa kay Dan ay tuwang-tuwa umano si tatay at inalok nito sa kanila ang natitirang taho bilang pasasalamat.

Samantala maraming netizens ang naantig sa viral na video at pinuri ang kabutihang ginawa ng mga estudyante.
Marami ring netizens ang gustong mahanap si tatay upang magpaabot ng tulong.