VICE GANDA GRANTS JAM SEBASTIAN’S (OF JAMICH) WISH TO SEE HIM
Kamakailan ay napabalita na nasa stage 4 na ang cancer sa baga ni Jam Sebastian ng famous Youtube and real-life couple ng Jamich. Hiling pa nga ni Jam sa kanyang ina ang ‘mercy killing’ o ‘Euthanasia’ pero hindi ito maibigay ng ina. Pero, may isa pang hiling ang binata at iyon ay ang makita ang kanyang mga iniidolong artista. Isa na dito ay si Vice Ganda na inspirasyon ni Jam at malaki ang impact sa kanya dahil, sa mga simpleng pagpapatawa ni Vice ay napapatawa din siya.

Narinig ni Vice ang hiling ni Jam at hindi naman nagdalawang-isip ang Unkabogable Star na dalawin ang binata. Around 7:30 pm of February 7, 2015, Saturday, ay pumunta si Vice sa St. Luke’s Global City, Taguig para bisitahin si Jam.
It was quite an emotional meeting among Vice, Jam and Jam’s family. Vice was quite heartbroken when he saw Jam’s condition. And, he kept on telling Jam, ‘Magpakatatag ka. Huwag kang susuko. Dapat huwag kang mawalan ng pag-asa. Hanggang sa huling hininga ay dapat huwag mawalan ng pag-asa.’

Dagdag pa ni Vice na maraming nagmamahal sa binata at doon siya dapat humugot ng lakas. Bago matapos ang pagdalaw ni Vice ay muling pinaalalahanan niya si Jam na magpalakas para makapag-guest siya sa Gandang Gabi Vice, makapag-jam silang dalawa at, makapanood pa ng concert niya sa May.