ASO, TINADTAD NG PANA

Umaabot na ngayon sa P65,000 ang reward sa sinumang makakapagturo sa salarin na walang awang pinag-papana ng 5 beses ang isang aso sa Negros Occidental.

Ayon sa post ng BACH PROJECT PH, agad silang tumungo sa bayan ng Murcia sa nasabing probinsya matapos na makatanggap ng report patungkol sa kalunos-lunos na sinapit ng aso na si Tiktok.

Agad namang bumuhos ang tulong sa nasabing organisasyon matapos silang manawagan sa social media para sa pagpapagamot kay Tiktok.
Naging matagumpay naman ang isinagawang operasyon sa nasabing aso at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Determinado naman ang nasabing organisasyon na mapanagot ang sinumang responsable sa kalupitang ginawa sa aso.
Maraming netizens ang nagpahayag na magbibigay ng pabuya sa ikadarakip ng salarin kung saan umaabot na ngayon sa P65,000 ang reward money.
