TINGNAN: Bangkay na ng matagpuan ang 7-month old na fetus sa imbakan ng basura sa Antipolo, Riza

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol sa imbakan ng basura sa Antipolo, Rizal, Martes ng madaling araw, ika-18 ng Marso, 2025.

Ayon kay Leilani Reyes, Violence Against Women and Children Officer ng Barangay San Jose, nagmistulang parcel ang sanggol dahil isinilid pa ito sa plastic bago inilagay sa kahon at isinara gamit ang packing tape.

“Ang bata po ay parang nagsilbing parcel na nakabalot sa box. Kitang-kita ko po na ang bata po ay nakabalot pa po sa plastic labo at talagang tinanggal, pinunit po ‘yung plastic labo at inayos po ‘yung bata papunta doon sa pinaka box. Ang box po naka-pack pa po ‘yun ng packing tape, so kawawang anghel na binalot na parang parcel,” sabi ni Reyes.

May be an image of 2 people, slow loris, hospital and text

Sa inisyal na imbestigasyon ng Barangay San Jose Public Safety Office, lumabas na nasa anim hanggang pitong buwang gulang na ang sanggol na babae.

“Nasa 6-7 months po baby girl po siya. Buo na po. Palalakihin na lang po ‘yung kung buhay man po siya. Pwede na po siyang mabuhay talaga,” sabi ni Irene Favor, Violence Against Women and Children Officer ng Barangay San Jose.

Sa CCTV footage na nakuha ng barangay sa isang gusali kung saan natagpuan ang sanggol, may ilang indibidwal na namataan na nagtapon ng basura pasado alas tres ng madaling araw ng Martes.
Pero hindi pa tukoy kung sino sa mga ito ang may dala ng box laman ang sanggol.

“Ang BPSO na po ang magco-conduct ng investigation. Aalamin kung sino po ‘yung nagtapon ng basura,” sabi ni Favor.

Posibleng masampahan ng reklamo ang nanay ng sanggol at sinumang mapatunayan na nag-abandona sa fetus.

May be an image of text
Paalala naman ng VAWC ng barangay sa mga kababaihan na nagbuntis at hindi handa harapin ang responsibilidad, ipaampon na lang sa DSWD at huwag itapon o ipalaglag ang bata.

 

May be an image of 2 people and fire
“Sa mga nanay na dumanas nang pagbubuntis at hindi ready, huwag nila hayaang i-abort o itapon ang kanilang anak sapagkat ‘yan po ay buhay. Makonsensya po sila sa kanilang mga maling ginawa dahil unang-una po ang bata ay anghel. Kung hindi po nila kayang buhayin puwede po nilang dalhin sa DSWD upang ipa-ampon,” sabi ni Reyes.