TINDERA, NAGULAT SA HALAGANG NAIMBAK NG BADJAO MULA SA BARYA SA ILANG ORAS LANG!!
Isang tindera sa palengke ang nagulat at napa-“grabe!” matapos magpalit ng barya sa isang Badjao na namamalimos sa kanilang lugar. Ang akala niyang ilang pirasong barya lang, umabot pala sa 500 piso!
Dahil kinakapos na siya ng panukli, tinanong niya si Ate Badjao kung may barya ito. Pumayag naman ang namamalimos, at nang bilangin nila, hindi makapaniwala ang tindera—halos sweldo na sa isang araw!

Nang tanungin kung anong oras ito nagsimula, sagot ni Ate Badjao: “Alas sais pa lang!” Ibig sabihin, sa ilang oras lang, mas malaki pa ang kinita niya kaysa sa isang regular na empleyado na nagtatrabaho nang walong oras! Marami ang napa-react: “Sino nga ba ang talagang mas kumikita?”