TIGNAN: MAGKAPATID SUMASIDE-LINE SA PAG-AAYOS NG SAPATOS, PARA MAY PANGGASTOS SA KANILANG PAG-AARAL!
Hinangaan ng mga netizens ang dalawang magkakapatid na sila Manuelita at Micko Borbon dahil sa halip na paglalaro ang atupagin nito after class ay mas pinili pa ng dalawang ito na mag-side-line para may panggastos sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa nasabing uploader na pagkatapos ng klase ng dalawa ay dumidiretso na ito sa kanilang pwesto upang tumulong sa pag-aayos ng mga sapatos.
Pahayag pa ng magkakapatid na mas pipiliin nilang tulungan ang kanilang mga magulang para hindi na ito masyadong mahirapan pa. Para hindi narin ito mamroblema sa panggastos nila sa pag-aaral.
