SUSPEK SA PAGPATAY AT PANGGAGAHASA SA DALAGITA SA LAUREL, BATANGAS, SARILING KAIBIGAN NG BIKTIMA!

Paunawa: Maselan ang paksa at mga imahe
SUSPEK SA PAGPATAY AT PANGGAGAHASA SA DALAGITA SA LAUREL, BATANGAS, SARILING KAIBIGAN NG BIKTIMA!
Nitong ika-10 ng Nobyembre, umamin sa pagpatay at panggagahasa sa Grade 10 student na si Kristel ang 19-anyos na si Eric.
Ito ay matapos siyang makonsensya sa nagawang kasalanan. Sinamahan si Eric ng ina sa mga pulis at humarap sa abogado para ihayag ang krimen.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, matinding pagnanasa ang motibo ng suspek. Sinundan daw ni Erik ang biktimang si Kristel para gahasain. Nanlaban ito kaya sinakal siya ng suspek hanggang malagutan ng hininga. Dinala ni Erik ang katawan ni Kristel sa taniman ng gabi at pinagsamantalahan. Ang module na dala ng dalagita, itinabi pa ng suspek sa kanyang katawan.
Kasong rape with homicide ang isinampa kay Eric at kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng Laurel, Batangas PNP.