“SHARING THIS FOR AWARENESS”
Sobrang dami ko ng nakikitang namamatay sa dengue na halos same case sa bunso ko.
My child symptoms start at
January 16
nag karon sya ng rashes sa binti, Hindi namin pinansin ni misis dahil hindi naman sya nilalagnat at yung gana nya sa pag kain sa laro eh hindi nag babago
January 17
umakyat na hanggang tyan nya yung rashes nya still hindi padin nilalagnat magana padin maligalig malakas dumede at kumain, kaya hindi padin namin pina check up ni misis dahil akala namin ok lang.
January 18
Umabot na gang labi at dila rashes nya meron din syang black spot sa dila meron na din syang mga pasa sa alulud nya kasi sa kalikutan tsaka sabi ni misis baka sa hagdan tumatama pag umaakyat, still hindi padin nilalagnat maligalig padin magana dumede at kumain, pero pag natutulog sya nag lalaway sa na may kasamang dugo.
January 19
morning nag karon na sya ng sinat etong araw talaga
namin sya ipapacheck up nun, still takbo pa sya ng takbo sa clinic, grabe na mga pasa nya sa katawan,
napaupo sya minsan sa laruan nya nag karon agad ng pasa yung part na tinamaan ng laruan,
Based sa itsura nya muka syang na dengue
pero ang pinag tataka kasi namin hindi sya nilagnat at parang wala syang nararamdaman.
After nya ma CBC 3hrs pa bago makuha yung
result.
and then eto na ang nakakatakot na part.
ayon sa test nya ang platelets nya is 20
and meron syang dengue.
tinawagan namin si doc and need na need na daw syang maadmit agad
habang andun ako si misis ang dami ding miss call nakaidlip kasi sila
ni bunso, yun pala yung pag lalaway ni bunso ng dugo eh mas madami sa una.
At that day
Na admit kame ng Gabi
sa City Imus Hospital
tinest ulit si bunso
and bumaba pa sa 19 yung platelets nya also meron na rin sya pneumonia.
Sabi ng doctor sana dengue lang yung sakit nya dahil kakaiba yung symptoms nya dahil di sya nilagnat tapos biglang drop ng platelets nya
isa sa tinitignan ng doctor nya is yung ITP (immune thrombocytopenic purpura)
sabi ng pedia need nya ng specialist sa dugo kaya yun yung nag sabi na bilhin namin yung gamot na IVIG na hindi pala to mabibili sa mga mercury kaya umabot pa ng 1 day bago makahanap sa tulong din ng doctor nya sa pedia.
Nung nakahanap na ng IVIG at nailagay na sa dextrose nya kinabukasan tumaas na agad from 19 naging 136 na agad platelets nya the second day 181 na agad.
sa 4th day masaya na kami kasi tumaas na ng tuloy2 pero hindi pa natatapos dun, nung nag uubo sya na halos masuka tapos me kasamang blood na halos 3x na may kasamang dugo pero hindi nmn sya puro dugo lang me kasamang plema tapos me onting dugo.
Tapos ilang oras syang hindi dumede kaya another pag iisip ulit.
that day bumigay immune system ko nilagnat na din ako dahil sa stress pagod di makakain maayos at putol putol na tulog
2days akong nasa 39. 1-5
na lagnat.
Buti na lang si misis kahit ganun hindi sya nag kasakit
5th day narelase na kame dahil ok na ulit mga test ni bunso.
unti unti na din nawawala yung mga rashes at pasa nya nung nakauwi na kame.
lesson:
Kahit pala mukang walang sakit at hindi nilalagnat kapag meron ng kakaiba sa kanila dapat ipa tinging na agad. Me mga bata talagang malalakas ang resestensya kaya “AKALA” natin ala silang sakit.
Salamat sa mga doctor ni baby at gumaling sya agad.
Maraming salamat din sa mga taong andyan nung kailangan namin ng mahihiraman.
God bless everyone 


