Sensitibong nilalaman: 13 taong gulang na batang babae natagpuang patay at hubo’t hubad

SENSITIVE CONTENT: 13 anyos na dalagita, natagpuang patay at wala nang saplot sa katawan sa loob ng isang kapilya sa barangay Hipusngo, Baybay City, Leyte kahapon, March 17, 2025.
Hubo’t hubad nang matagpuan ang bangkay ng 13 anyos na dalagita na pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay ng suspek sa ilalim ng altar ng kapilya sa nabanggit na lugar.
Ang biktima na si Mary Jane, grade 7 student, ay dineklara ng pamilya na nawawala noong araw ng linggo, March 16.
Natagpuan ang dalaga nang mapansing nangangamoy na ang bangkay nito sa loob ng isang kapilya alas 8:00 ng umaga kahapon, March 17.
Si Mary Jane ay aktibong miyembro ng relegious youth na sakop ng naturang kapilya. Kaya’t malaki ang duda ng mga awtoridad na kilala ng biktima ang suspek na gumawa ng naturang krimen.
Ang care taker ng naturang kapilya na kilalang lulong sa droga ang naging pangunahing suspek ng mga awtoridad dahil sa biglaang paglaho nito.
Subalit pagkalipas ng isang araw mula nong nangyari ang krimen, nahuli ang suspek sa follow up operation ng mga awtoridad sa bayan ng Mondragon.
Sa kasalukuyan, nasa himpilan na ng pulisya ang naturang suspek at nakatakdang kakaharapin ang isa pang kasong attempted rape noong 2022.