BABALA

“SA MGA BABAE DIYAN NA BUMABYAHE, INGAT PO TAYO KAHIT SAANG LUGAR.”
Mga 6PM galing ako ng Guadalupe. Sumakay nalang ako ng bus since mababa potassium ko panay hagdan sa may MRT syempre mahirap humakbang mahina tuhod ko. Sumakay ako ng bus pa-Cubao. Pag-upong pag-upo ko, tinabihan ako nung konduktor. Pagdating ng Santolan dun na niya ko kinausap tsaka nung driver since bumaba lahat nung pasahero. Pinipilit nila ko sumama sakanila. Dapat bababa ako sa Cubao, pero di sila tumigil don. Diniretso nila ko ng QC, at dun na nila ko pinilit sumama sakanila. Diretso daw kami ng monumento saglit lang daw.

Nanginginig nako sa sobrang takot hindi ako makapagtext o call sa kahit sino sa contacts ko dahil katabi ko sya. Dun narin nag-start na hawak-hawakan niya ko. 







Di ako makagalaw sa takot. Dalawang lalaki yon tapos humaharurot pa yung bus. Tas sabi wag na daw ako umuwi, mas masaya daw sila kasama. To think na, 16 years old yung tingin niya sakin tapos ganon siya kabastos. Mga 7PM, nakarating na kami sa Q-MART. May pulis at may mga nakapila pasahero kaya no choice sila kailangan nila magpasakay.

Tumayo saglit yung konduktor tapos yung babae na sumakay tumabi sakin. Sa sobrang takot ko nanginginig ako nag-type sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae (4th pic). Nanlaki mata niya tas nung nakarating na kami sa bababaan niya, hinawakan nya ko sa kamay tas pinauna niya ko bumaba. (Thank you ate kung sino ka man.
) Pag-babang pag-baba ko bumaba din yung konduktor tinatawag ako. Iyak ako ng iyak pagbaba ko. Di na ko lumingon takbo nako agad makalayo lang sa bus nayon.
Diko na natingnan yung plate number. 




Sa mga babae diyan na bumabyahe ingat po tayo kahit saang lugar.
Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming m4nyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mat4ba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng m4nyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa.

