BABALA: Sensitibong balita
Pumanaw ang isang 30-anyos na lalaki sa Dumaguete City matapos niyang matusok ng pana ang sarili sa kaliwang mata.

Ayon sa kasama ng biktima, nadulas daw ang lalaki habang nanghuhuli ng alimango at natamaan niya ang sariling mata ng dala niyang pana.
Nawalan ng malay ang biktima nang bunutin niya ang pana.

Isinugod sa ospital ng biktima pero binawian din ng buhay.
COURTESY: Nana Dungcoy via GMA Regional TV Balitang Bisdak
Panoorin ang buong ulat sa comments section.