Nasawi ang isang alagang pusa sa Barangay Blumentritt, Murcia, Negros Occidental matapos matagpuan ng kaniyang may-ari na may malalim na sugat noong Marso 19.

BABALA: SENSITIBONG BALITA
Nasawi ang isang alagang pusa sa Barangay Blumentritt, Murcia, Negros Occidental matapos matagpuan ng kaniyang may-ari na may malalim na sugat noong Marso 19.
Agad na naisugod sa veterinary clinic ang pusang si “Moymoy” at isinailalim sa major operation, ngunit hindi na ito nakaligtas at namatay kinabukasan, Marso 20.
Ayon sa pamilya ng may-ari, may hinala na sila kung sino ang responsable sa pananakit sa kanilang alaga, ngunit hindi pa nila ito nai-report sa pulisya dahil kulang pa ang impormasyon.
Matatandaang noong nakaraang linggo, naiulat din sa Murcia ang insidente ng pagpana sa isang aso.
Paliwanag ni Dennis Garzon, Municipal Agriculturist ng Murcia, maaaring hindi pa batid ng ilan sa mga residente ang Animal Welfare Act o Republic Act 8485, na nagpapataw ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong sa mga mapapatunayang lalabag dito.
Nanawagan naman si animal rights advocate Concepcion Bach sa mga opisyal at komunidad ng Murcia.
“To the officials and the community, we urge you to take action. I-enforce natin ang animal protection,” ani Bach.
May be an image of slow loris
Dahil sa sunod-sunod na kaso ng animal cruelty, ipinag-utos na ng alkalde ng Murcia sa Municipal Agriculturist Office na bantayan ang mga insidente at tiyaking hindi na ito maulit.
Courtesy: BACH PROJECT PH VIDEOS via GMA Regional TV One Western Visayas
May be an image of slow loris