

MGA MINAMAHAL KONG KABABAYAN,
Nitong nakaraang Lunes, naging viral sa social media ang nakakalungkot na insidente ng batang binugbog ng ilang kabataan. Agad natin siyang ipinagamot at binigyan ng agarang atensyon sa kanyang kalagayan. Kaninang hapon, kasama ang MESL Medical team na pinamumunuan ni Doctor Eriel Javier, personal nilang pinuntahan ang bata upang masuri ang kanyang kalagayan. Sa ngayon, wala naman siyang ipinapakitang senyales o sintomas ng malalang pinsala at hinihintay natin ang resulta ng mga pagsusuri.
Sa mga magulang, patuloy po nating gabayan at turuan ng tamang asal ang ating mga anak. Ang insidenteng ito ay isang paalala na walang sinuman ang dapat makaranas ng ganitong uri ng karahasan. Sa ating mga kabataan sa bayan ng Santa Cruz, sana’y magsilbing aral ito sa atin na laging piliin ang kabutihan at pagrespeto sa kapwa. Hindi ito isang magandang halimbawa para sa mga susunod na henerasyon.
Kung sakaling makasaksi po tayo ng ganitong pangyayari, mangyaring makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na himpilan upang mapigilan agad ang mga ganitong insidente. Sama-sama tayong kumilos para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.
Mag-ingat po tayong lahat at nawa’y pagpalain tayo ng Diyos.
WARNING: Graphic Content
MY BELOVED COUNTRYMEN,This past Monday, the tragic incident of a child beaten by several teens went viral on social media. We treated him immediately and gave immediate attention to his condition. This afternoon, together with the MESL Medical team headed by Doctor Eriel Javier, they personally visited the child to check his condition. So far, he is showing no signs or symptoms of serious injuries and we await the results of tests.To the parents, let’s continue to guide and teach our children the right manners. This incident is a reminder that no one should ever experience this type of violence. To our young people in Santa Cruz town, may this serve as a lesson to us to always choose goodness and respect others. This is not a good example for future generations.If we ever witness such an incident, please contact the nearest bus stop immediately to prevent such incidents. Let’s move together for a safe and peaceful community.Keep safe everyone and god bless us.