Nagagawa ng droga
Happy live
Sad result
Huwag tularan

Babae na Nag-Live sa Facebook Habang Gumagamit ng Shabu, Arestado sa Buy-Bust sa Iloilo
Arestado ang isang babae na nag-viral matapos mag-live sa Facebook habang gumagamit ng shabu sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Zone 1, Estancia, Iloilo, noong Pebrero 12, 2025.

Kinilala ang suspek na si “Apple,” 32-anyos, isang High-Value Individual (HVI). Kasama rin niyang naaresto ang kanyang live-in partner na si alyas “Michael,” 27-anyos, at si alyas “Christian,” 17-anyos.
Nakuha mula sa kanila ang 290 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.97 milyon.

Ang operasyon ay isinagawa ng IPPO PDEU Team 3, sa pangunguna ni Police Major Dadje Delima, katuwang ang Estancia Municipal Police Station at iba pang yunit.
Nakakulong na ang mga suspek sa Estancia MPS para sa kaukulang disposisyon.
ccto


