MGA BATA BUMILI NG DAMIT SA UKAY-UKAY BILANG SORPRISANG REGALO PARA SA KAARAWAN NG KANILANG NANAY

MGA BATA BUMILI NG DAMIT SA UKAY-UKAY BILANG SORPRISANG REGALO PARA SA KAARAWAN NG KANILANG NANAY
Isang kwento ng pagmamahal at sakripisyo ang nagbigay inspirasyon sa mga netizens sa Puerto Princesa City. Dalawang batang lalaki ang naispatan sa isang ukay-ukay store, naghahanap ng damit para sa kaarawan ng kanilang ina. Sa kabila ng kanilang kabataan, ipinakita nila ang tunay na kahulugan ng pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang ina.
Kwento ni Sarah May Daculap, ang may-ari ng tindahan, nagsimula ang lahat bandang alas 9:00 ng umaga noong Martes nang makita niya ang dalawang bata na naghahanap ng mga pambabaeng damit. Nang tanungin siya kung anong damit ang kanilang hinahanap, sinabi nila na ito raw ay para sa espesyal na araw ng kanilang nanay. Hindi nagdalawang-isip si Daculap at tinulungan ang mga bata sa kanilang pagpili ng mga damit, na labis niyang ikinatuwa.
Ayon kay Daculap, ang simpleng kilos ng mga bata ay tunay na nakakaantig ng puso. “Nakakatuwa! Apaka sweet na mga anak,” wika niya, na nagbigay pugay sa pagmamahal ng mga bata para sa kanilang ina.
Ang kwento ng dalawang bata ay nagsisilbing paalala na ang mga pinakamahalagang regalo sa buhay ay hindi laging mga materyal na bagay, kundi ang mga kilos ng pagmamahal at malasakit na tunay na nagmumula sa puso. Sa kabila ng kanilang murang edad, ipinakita nila na ang pagiging maalaga at mapagmahal ay hindi nasusukat sa halaga ng pera, kundi sa simpleng pagpapakita ng pag-aalala at pasasalamat sa mga magulang.
KIDS BUY THRIFT CLOTHES AS A SURPRISE GIFT FOR THEIR MOTHER’S BIRTHDAY
A story of love and sacrifice inspired netizens in Puerto Princesa City. Two boys were caught in a thrift store, looking for their mother’s birthday dress. Despite their adolescence, they have shown the true meaning of caring and loving their mother.
The story of Sarah May Daculap, the store owner, it all started around 9:00 a.m. on Tuesday when she saw two children looking for women’s clothes. When asked what dress they were looking for, they said it was for their mom’s special day. Daculap didn’t think twice and helped the children choose their clothes, which he was very pleased with.
According to Daculap, the simple gesture of children is truly touching the heart. “It’s so fun! How sweet children are,” he said, paying tribute to the children’s love for their mother.
The story of two children serves as a reminder that the most precious gifts in life are not always material things, but gestures of love and care that truly come from the heart. Despite their young age, they have shown that caring and loving are not measured by the amount of money, but by simply showing concern and gratitude to parents.