Magkapatid na paslit, iniwang nag-iisa sa harap ng Mang Inasal sa Valenzuela.

MAGKAPATID NA PASLIT, HINDI NA BINALIKAN NG KANILANG NANAY NA BIBILI LANG DAW NG PAYONG!
Magkapatid na paslit, iniwang nag-iisa sa harap ng Mang Inasal sa Valenzuela.
Habang marami ang abala sa araw-araw na gawain, isang nakaaawang tagpo ang tumambad sa isang empleyado ng restaurant sa Valenzuela: dalawang batang magkapatid, basa at pagod, naghihintay sa kanilang ina na nagpaalam lang daw na bibili ng payong.
Ayon sa post ni Myleen, staff ng Mang Inasal sa People’s Park, mula pa raw Tondo ang mga bata. Nasa harap na raw sila ng restaurant simula alas-6 ng umaga. Ilang oras ang lumipas, walang bumalik. Nang tanungin, umiiyak lang ang mga bata—gusto na raw umuwi pero di alam kung paano.
“Pakibalikan niyo naman po sila. Kawawa po sila, naghihintay pa rin hanggang ngayon.”
Hindi napigilan ng netizens ang magalit, malungkot, at madurog ang puso sa kwento. Pero higit sa lahat, marami ang umaasa at nagdadasal na sana ay natulungan na ang mga bata, at napunta sa mas ligtas na kalagayan.
Ang pagiging magulang ay hindi lisensyang pwedeng talikuran. Sana’y magsilbi itong paalala: ang mga bata’y walang kalaban-laban. Sila’y umaasa, umaasa sa pag-ibig na hindi sana iiwan.
Courtesy: RealTalk
SIBLING SIBLINGS, THEIR MOTHER DIDN’T GIVE IT BACK, THEY SAID THEY JUST WANT TO BUY AN UMBRELLA!
Sneaky siblings, left alone in front of Mang Inasal in Valenzuela.
While many are busy with their daily routine, a sad encounter struck a restaurant employee in Valenzuela: two young siblings, wet and tired, waiting for their mother who just said goodbye to buy an umbrella.
According to Myleen’s post, staff of Mang Inasal in People’s Park, the children are from Tondo. They say they’ve been in front of the restaurant since 6am. A few hours have passed, nothing has come back. When asked, the children were just crying—they said they want to go home but don’t know how.
“Please bring them back. Poor them, still waiting until now. ”
Netizens couldn’t help but get angry, sad, and heartbroken over the story. But most of all, many are hoping and praying that the children have been helped, and ended up in safer conditions.
Parenting is not a revoked license. Hope this serves as a reminder: children are not helpless. They’re hoping, hoping for a love that will never be left.
Courtesy: RealTalk