MAG-LIVE IN PARTNER NA SAKAY NG MOTORSIKLO NA BIBILI LANG SANA NG BARBECUE, PATAY MATAPOS MASALPOK NG PICK-UP
Sa CCTV Footage na kuha sa Barangay Sampaloc, Bolinao, Pangasinan, nakita ang pagsalpok ng isang pick-up sa sasakyang nasa kanyang unahan.
Ang sinalpok ay motorsiklong sinasakyan ng maglive-in partner na sina Mark Vincent Quidaba, 23-anyos at Joan Mae Sagud, 21-anyos.
Unang binawian ng buhay si Sagud matapos magtamo ng grabeng sugat sa katawan. Nagtagal naman ng ilang araw sa ospital si Quibada pero binawian din ito ng buhay kaninang umaga. Ayon sa report, lumabas lamang ang mga biktima para sana bumili ng barbecue.
Nanawagan ng hustiya ang kaanak ng maglive in partner lalot naulila nila ang dalawang anak. Mabilis umanong tumakas sa malayong direksyon ang driver ng pick-up na nakabangga sa kanila.
Ayon sa Bolinao Police, masusing imbestigasyon ang ginagawa para matukoy ang driver ng nakabanggang pick-up. Pero aminadong hirap dahil malabo ang kuha ng CCTV. Naghahanap sila ng witness sa aksidente.
LIVE IN PARTNER RIDING MOTORCYCLE WHO WAS JUST ABOUT TO BUY BARBECUE, DEAD AFTER BEING HIT BY PICK-UPIn CCTV Footage taken in Barangay Sampaloc, Bolinao, Pangasinan, a pick-up was seen crashing into the vehicle in front of it.The incident was a motorcycle driven by live-in partner Mark Vincent Quidaba, 23-year-old and Joan Mae Sagud, 21-year-old.Sagud was deprived of life for the first time after suffering severe wounds on his body. Quibada spent a few days in the hospital but was brought back alive this morning. According to the report, the victims only went outside to hopefully buy a barbecue.The children of a live-in partner are calling for justice, especially they have orphaned two children. The driver of the pickup truck that hit them allegedly fled quickly.According to Bolinao Police, a thorough investigation is being done to determine the driver of the stolen pick-up. But I admit it’s difficult because the CCTV footage is blurry. They’re looking for a witness to the accident.