POSTING FOR AWARENESS

Mag ingat po tayong lahat na lalaking to around Blumentritt Rd,Metro Manila.Nangyari ito sa amin kaninang 11:18 am bigla nalang po siyang sumakay sa jeep na sinasakyan namin na may dalang ice pick kaya naisipan ko mag video kasi iba na yung kilos at tingin niya.Tapos bigla nalang siya umupo sa loob at sumiksik para makahingi ng mga barya sa pasahero.Tapos pag di nakapag abot ng barya itututok niya yung icepick sabay sabi “wala kayong mga respeto ah”. (di na ako nakapag video nung nangyari to baka kasi biglang hablutin nalang yung cellphone ko). Wala kaming magawa that time sa sobrang takot/kaba kaya halos lahat nalang kami nagbigay nalang ng barya para walang masamang mangyari.



