LOOK: ISANG AMA ANG HALOS MANIRAHAN NA SA PAARALAN MABANTAYAN LAMANG ANG KANYANG ANAK NA NAG-AARAL.

LOOK: ISANG AMA ANG HALOS MANIRAHAN NA SA PAARALAN MABANTAYAN LAMANG ANG KANYANG ANAK NA NAG-AARAL.
“Ito si Allan kasamahan namin sa pagmamasada Ng tricycle. Sa tuwing may pasok sa paaralan nandyan lang siya sa tabi naghihintay sa kanyang anak kasi iiyak ang kanyang anak kapag aalis siya. Diyan siya naglalaba kumakain at maghihintay sa kanyang anak. Hindi lang siya tumatayo bilang ama kundi ang pagiging ina rin.
Umalis kasi ang kanyang asawa. Namamalengke din siya at nagluluto. Kapag walang pasok ang anak niya , namamasada siya gamit ang tricycle niya at sinasama nya ang anak nya sa pagmamasada. Ganitong klaseng ama ang dapat tularan, lahat ay gagawing pagsisikap at pagtitiis para sa anak.”