LALAKI SA AGUSAN DEL SUR, NABALIAN NG BUTO DAHIL SA TOURNAMENT NG… BUNONG BRASO!

“Pahinante at tagabuhat ako ng mga furniture.
Nagpu-push up saka nagbubuhat ng dumbbells.
Puhunan ko talaga ang lakas ng katawan ko.
Sumali ako sa bunong-braso kasi may narinig ako na may cash prize raw.
Dagdag ko sana sa ipon ko.

Malapit nang matapos ang laro, naihiga ko na ang kamay ng kalaban ko.
Panalo na ako, pero nilakasan ko ‘yung tulak.
Narinig ko na lang na nag-crack ‘yung braso ko!
Akala ko mesa ang nabali, ‘yun pala buto ko na pala!
Wala akong naramdaman nu’ng una.

Nu’’ng tumayo ako at tinignan ko ‘yung braso ko, biglang sumasakit na.
Lumaylay na ‘yung braso ko!
Ang dami na ring nagsisigawan.

Nagpa-X-ray ako. Ang sabi na-fracture pala.
Ngayon, ‘di na ako makapagtrabaho
Hindi na ako makapag buhat. Kahit mag-drawing, o kahit kumain nang maayos.
Sobrang hirap ngayon, walang source of income.

Sa pagtulog, kailangan ko pa ng unan sa braso kasi masakit ‘pag nagagalaw.”
-Alex, nabalian ng buto dahil sa bunong braso

