KALANSAY NA NATAGPUAN SA KABANKALAN, NAKILALA NA!

KALANSAY NA NATAGPUAN SA KABANKALAN, NAKILALA NA!
Nakilala na ang kalansay ng tao na natagpuan sa Purok 1, Barangay Camansi, Lungsod ng Kabankalan bandang alas-2:00 ng hapon noong Mayo 31.
Kinilala ito bilang si Jodgie Pancho y Flaviano, 19 taong gulang at residente ng Sitio Bayog, Brgy. Camansi, Lungsod ng Kabankalan, Negros Occidental.
Batay sa imbestigasyon ng Kabankalan City Police Station, habang nangunguha ng kahoy si Gino Nehar sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay, nakasimhot siya ng hindi kanais-nais na amoy at nang kanyang tingnan, nadiskubre niya ang nasabing kalansay.
Ang kalansay ay positibong kinilala ng kanyang ama na si Joey Pancho y Cantiberos, sa pamamagitan ng kanyang suot na t-shirt, shorts, at tsinelas.
Bago pa man ito matagpuan, napansin ng ama na kinakausap ng anak ang kanyang sarili.
Nabatid na mula pa noong Mayo 5 ay hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay at nawalan na rin ng komunikasyon sa kanilang pamilya.
Naniniwala naman ang pamilya na si Jodgie ay dumaranas ng depresyon.
THE BURDEN FOUND IN KABANKALAN, HAS BEEN RECOGNIZED!
The human skeleton found in Barangay Camansi, Kabankalan City around 2:00 pm on May 31 has been identified.
This is identified as Jodgie Pancho y Flaviano, 19 years old and a resident of Sitio Bayog, Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental.
Based on the investigation of Kabankalan City Police Station, while Gino Nehar was stealing wood in the mountainous part of the said barangay, he smelled an unpleasant odor and upon looking, he discovered the said skeleton.
The skeleton was positively identified by his father, Joey Pancho y Cantiberos, by his t-shirt, shorts, and slippers.
Before it was found, the father noticed the son was talking to himself.
It has been learned that since May 5 they have not returned to their home and have lost communication with their family.
The family believes that Jodgie is suffering from depression.