KALAHATING KATAWAN NG NAWALANG DIAKONO NG INC SA CUYAPO, NATAGPUAN

BABALA! SENSITIBONG BALITA:
KALAHATING KATAWAN NG NAWALANG DIAKONO NG INC SA CUYAPO, NATAGPUAN
Bumuhos ang pakikiramay para sa pamilya ni Michael ‘NikNok’ Lagrana nang magpost sa Facebook ang asawa nitong si Jhen Lagrana na siya ay pumanaw na.
Nakaburol sa kasalukuyan ang kanyang mga labi sa kanilang tahanan sa Barangay District 4, Cuyapo, Nueva Ecija.
Napag-alaman na natagpuan ang kalahati ng katawan nito sa main canal ng irigasyon sa Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan.
Matatandaan na si Michael ay ang negosyanteng diakono rin ng Iglesia ni Cristo mula sa bayan ng Cuyapo ay nawala kasama ng helper nitong si Julius Diaz noong January 6, 2025.
Ayon sa Facebook post ni Jhen, nagpaalam ang kanyang asawa kasama si Julius na kukuhanin lamang ang bayad sa pautang nito sa District 7, Rosa Villa Subdivision, Cuyapo. Ngunit hindi na nakabalik ang mga ito magmula noon.
6:00 ng gabi ng January 6 nang marekober ng mga awtoridad ang abandonado at nasunog na Toyota Hi-lux pickup na sinakyan ng dalawa, sa Poblacion West, Umingan, Pangasinan.
February 5, 2025 nang madiskubre naman ang bangkay ni Julius Diaz sa Brgy. Ungib, San Quintin, Pangasinan.