Isang OFW Nanay, inireklamo ng sariling anak at asawa—dahil daw kulang ang padala at walang naipundar matapos ang ilang taong sakripisyo sa abroad.

INANG OFW, INIREKLAMO NG ASAWA’T MGA ANAK DAHIL KULANG ANG PINAPADALA; KINUWESTIYON BAKIT WALANG IPON AT NAPUNDAR SA PAG-AABROAD
“AKO’Y INYONG INA… PERO KULANG PARIN?”
Isang OFW Nanay, inireklamo ng sariling anak at asawa—dahil daw kulang ang padala at walang naipundar matapos ang ilang taong sakripisyo sa abroad.
Si Bernadette Daquel Montaneil, isang domestic helper sa Bahrain, ay nag-viral matapos ireklamo ng sariling asawa at panganay na anak sa programang Raffy Tulfo in Action. Ang dahilan? Kulang daw ang padala. Walang naipundar. Walang ipon.
Pero sa panig ni Nanay Bernadette, hawak niya ang lahat ng resibo—mula 2017 hanggang ngayon—Gcash, remittance, at iba pa. Araw-araw siyang nagtatrabaho sa ibang bansa, halos wala nang natitira para sa sarili, lahat ipinapadala sa pamilya.
“Hindi ako doktor, DH lang po ako. Minimum lang ang sahod ko.”
“Resibo ang ipon ko. Halos wala na nga akong matira sa sarili ko, basta makapadala lang sa inyo.”
Pinagbayaran niya ang motor, tricycle, cellphone, at kahit mga pang-Shopee ng anak. Pero ang hinihingi ng pamilya, bahay, lupa, at bonggang birthday celebrations. Dahil dito, kinuwestiyon ang kanyang halaga bilang ina—kulang daw siya, kahit binigay na niya ang lahat.
Mas masakit pa, sabi ng kanyang anak:
“Gusto ko lang po ng magandang buhay para sa mga kapatid ko. Naiinggit ako sa ibang ina na nakapagpatayo ng bahay.”
Ngunit sagot ni Nanay:
“Pasalamat nga kayo may bahay kayo. Ako, wala. Pauwi akong wala. Wala akong ipon—resibo lang. Ipinadala ko lahat sa inyo.”
“Isang araw lang na hindi ko naibigay ang gusto mo, ipina-media mo na ako.”
Ang kwento ni Nanay Bernadette ay kwento ng maraming OFW: nagbibigay, nagsasakripisyo, pero madalas—nakakalimutang pasalamatan. Sana ito’y maging paalala: hindi lahat ng pagmamahal ay nasusukat sa halaga o pundar. Minsan, sapat na ang pag-unawa, respeto, at pasasalamat. ‎
OFW MOTHER COMPLAINED BY HUSBAND AND CHILDREN BECAUSE THEY ARE NOT SUPPLIED; QUESTIONED WHY THERE IS NO SAVINGS AND FUNDED FOR GOING ABROAD
“I AM YOUR MOTHER… BUT IT’S STILL INQUIRY? ”
An OFW mother, complained by her own child and husband—because the package was not enough and no one was able to fund after several years of sacrifice abroad.
Bernadette Daquel Montaneil, a domestic helper in Bahrain, went viral after her own wife and eldest child complained to the Raffy Tulfo in Action program. The reason? The shipment is not enough. Nothing was funded. No savings.
But on Mom Bernadette’s side, she holds all the receipts—from 2017 to now—Gcash, remittance, and others. Every day he works abroad, almost nothing left for himself, everything sent to the family.
“I’m not a doctor, I’m just a DH.” My salary is just minimum. “
“My savings are receipts. I barely have anything left for myself, just to send you. “
He paid for the motor, tricycle, cell phone, and even the shopee items of his child. But what the family asks for, house, land, and extravagant birthday celebrations. Because of this, her worth as a mother was questioned—she said she wasn’t enough, even though she had already given her all.
It hurts even more, his son says:
“I just want a good life for my siblings. I envy other mothers who have built a home. ”
But Mom’s answer:
“Be thankful you have a house. I am nothing. I’m going home to nothing. I have no savings—just a receipt. I sent you all. ”
“Just one day that I didn’t give you what you wanted, you had me in the media.” ”
Nanay Bernadette’s story is the story of many OFWs: giving, sacrificing, but often—forgetting to thank. May this serve as a reminder: not all love is measured in value or standard. Sometimes, understanding, respect, and gratitude are enough.