MA BOARD PASSER NA KO 






Isang nakakaantig na tagpo ang nag-viral sa social media matapos makuhanan ng video ang hindi malilimutang sandali ng isang fast food service crew nang malaman niyang nakapasa siya sa Licensure Examination for Teachers (LET).

Habang abala sa pagseserbisyo sa mga customer, bigla siyang tinawag ng kanyang manager. Sa una, tila nagtataka pa ang crew, ngunit nang ianunsyo ng manager na isa na siyang ganap na LET passer, agad siyang napatalon sa saya. Hindi na napigilan ang pag-agos ng kanyang luha habang mahigpit siyang niyakap ng kanyang mga katrabaho.

Bagamaāt nagpatuloy siya sa pagtatrabaho at pagseserbisyo sa mga customer, halata pa rin ang di maipaliwanag na saya at emosyon sa kanyang mukha. Sa video, makikita siyang paulit-ulit na umiiyak habang nagpapasalamat, sabay sabi, “Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat. Pangarap ko po talaga ito!”

Ang kwento niya ay patunay na walang imposible sa taong may sipag, tiyaga, at pangarap. Mula sa simpleng fast food crew, ngayon ay isa na siyang lisensyadong guro na handang magbigay-inspirasyon at kaalaman sa mga kabataan.