Isang batang lalaki ang nasawi matapos umanong atakihin ng aswang sa kanilang bahay, ayon sa kanyang lolo.

Bigla raw nagising ang bata na umiiyak at hindi maigalaw ang kanyang mga paa. Nahihirapan din itong umihi, kaya labis silang nag-alala. Napansin pa nilang may aninong unti-unting naglalaho mula sa bahay.

Kinabukasan, nakita nilang may pasa ang kanyang mga paa at kalaunan ay binawian siya ng buhay. Napansin din ng kanyang lolo ang tila bakas ng matatalas na kuko sa dingding, na hinihinalang mula sa aswang.

Dahil sa insidente, mas lalong nababahala ang mga residente sa kanilang lugar, lalo na’t may mga kwento na noon pa raw may aswang na gumagala sa kanilang bayan.
