BABALA: SENSITIBONG BALITA
ISANG BANGKAY NA KAHALATANG KATAWAN, NATAGPUAN SA PANGASINAN


Bumuhos ang pakikiramay para sa pamilya ni Michael Lagrana nang mag-post sa Facebook ang asawa nitong si Jhen Lagrana na siya ay pumanaw na.
Ang kanyang mga labi ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Barangay District 4, Cuyapo, Nueva Ecija.
Ayon sa mga ulat, natagpuan ang kalahating katawan ni Michael sa main canal ng irigasyon sa Brgy. Lagasit, San Quintin, Pangasinan.
Si Michael ay isang negosyanteng diakono ng Iglesia ni Cristo (INC) mula sa Cuyapo na nawawala kasama ang kanyang helper na si Julius Diaz mula pa noong January 6, 2025.

Sa Facebook post ni Jhen, sinabi nitong nagpaalam ang kanyang asawa at si Julius na kukuhanin lamang ang bayad sa kanilang pautang sa District 7, Rosa Villa Subdivision, Cuyapo, ngunit hindi na sila nakabalik.
