Hindi na talaga ligtas ang paligid ngayon lalo na ‘pag sakit at bata na ang pinag-uusapan. I-share ko lang yung naging karanasan namin sa laban na hindi namin inasahan.

Hindi na talaga ligtas ang paligid ngayon lalo na ‘pag sakit at bata na ang pinag-uusapan. I-share ko lang yung naging karanasan namin sa laban na hindi namin inasahan.
Ikatlong araw ng lagnat ni King, kapansin-pansin na ang kanyang pagkabalisa at sa bisig ko mismo ay nasuka sya at sa pagbangon ng kanyang ulo ay namumuti na ito kaya agad agad ko syang dinala sa Palayan City Hospital. Ang higpit ng aking hawak sa aking manubela ay siyang higpit ng aking panalangin na sana’y ito ay ordinaryong lagnat lang na nararanasan ng lahat ng bata.
Dahil gabi na, sa kasamaang palad, hindi pa available ang Laboratory sa Palayan kung kaya’t agad agad naming ipinaambulansya si King sa ELJMH sa Cabanatuan City.
Bagsak na si King, patang-pata ng dumating kami sa ER ng ELJMH, pero kailangan i-Antigen bago ipabili sa amin ang kailangan na supplies at medicines. Hindi available lahat sa Pharmacy kaya sagsag sa paghahanap sa labas ng Ospital. Bawat hakbang ng aking mga paa ay siyang bilang din ng pagtawag ko sa Lord na sana okay lang si King. Sa oras na ito,
nagtatanong na ko bakit ganito ba talaga ang proseso? Pero dahil first time ko maranasan to, wala akong choice. Kailangan kong sundin ito. Matapos ang dalawang oras, sa wakas nadala na si King sa Pediatric Isolation Room. May swero na, may gamot ng inilagay dahil nilalagnat si King. Tinawag ako sa Laboratory na akala ko kukuhanan na ng dugo si King para macheck ang dugo nya dahil Dengue nga ang suspected case. Pero ang sinabi sakin sa Laboratory, kumuha ako sa Premiere ng tube kung saan ilalagay ang dugo.
Gusto ko magtanong sa kanila bakit wala po ba tayong gamit? Pero wag na lang kasi 2kms lang naman sige takbuhin ko na. Sa bawat sasakyan na nasalubong ko ay siya ding dami ng pagtawag ko sa Panginoon na sana okay pa. Bumalik ako sa Laboratory dala ang tube at agad naman nila kinuhanan ng dugo si King. Tapos tinawag ulit ako para ihatid ulit sa Premiere para sa resulta. Ha? Ang hustle naman nito pero sige dahil sayang ang oras. Nagbayad ako ng P1,200 na dapat P1,500 salamat dahil may 20 percent discount. At marami pang laboratory tests ang paulit ulit na ganon ang pangyayari.
Nakuha ko ang resulta at agad na ipinasa sa Nurse Station. Lumipas ang magdamag hanggang tanghali nung Byernes. Observation pa rin ang nangyayari, gamot, antibiotics at mga 2pm nag-round ang doktor at sinabi samin na bumagsak sa 41 ang platelets ni King. Sinabihan kami ng Nurse na dapat maitransfer si King sa Private Doctor dahil walang Resident Pediatrician ang ELJMH ng Sabado Linggo. May infections daw base sa resulta ng mga Laboratory Tests. Wala kaming choice kundi pumayag.
May be an image of 4 people, scooter, hospital and text
Hapon na ng Sabado natransfer si King dahil noon lang nagkabakante. Sa mga oras na ito tinatanong ko na sarili ko kung tama pa ba ito dahil ang bagal ata walang improvements si King. Wala pa rin yung Private Doctor na sinasabi. Lumalaki na ang tiyan ni King at nagmamanas ang kamay at paa, may nilagay na din sila sa ilong para malaman kung may bleeding. Lumipas ang buong sabado walang doctor na nagpakita. Linggo ng hapon nung mag round ang doctor at kinagabihan bigla kaming sinabihan na kailangan naming maitransfer sa mas malaking ospital kung saan available ang mga gamit dahil kailangan ng rapid close monitoring kay King dahil hindi na ito naiihi at nadudumi. Pinili ko ang Premiere Hospital dahil ito ang alam kong isa sa may pinaka mabilis at mahusay na serbisyo. Sabi ng Nurse Station sa ELJMH punta daw muna ako sa PMC para malaman kung may bakante sa PICU at alamin ang rates. Dahil first time ko, laking gulat ko ng sabihin sakin na kailangan ko daw mag down ng 50,000 bago tanggapin si King.
May be an image of 1 person, hospital and text
Nakiusap ako, nagmakaawa kasi 12am na at hindi kami makakapag produce agad ng 50K at pumayag sa 25K kaya balik ako agad sa ELJ para ipaalam na sige na dalin na agad si King sa PICU sa Premiere. Ang tagal, 12am na hindi pa rin kami natransfer. Mag 1am na nang mapasok namin ang ER ng Premiere at isang oras pa kami naghintay bago maipasok sa PICU. Ang tagal namin naghihintay sa ER wala pa ring development si King. May mga inuna na mas kritikal kahit kami naman ang nauna nagagalit na ko nito pero nagtimpi ako kasi kritikal na din yun isang pasyente pero mas nagalit ako ng sagutin ako ng Nurse na dadalawa lang daw kasi sila nung time na yon. Pero mas pinili ko pa ring kumalma kasi wala naman mangyayari kung mag histerya pa ako doon. Sa mga oras na to,
hindi ko na nakitang dumilat si King, ingit lang ang tangi nyang reaksyon sa sakit na kanyang nararamdaman. Manas ang kamay at paa. Mataba ang muka. Malaki ang tiyan. Natatakot na ako. Makalipas ang isang oras, 2am na ng Lunes tuluyan ng maipasok si King sa PICU.
May be an image of 1 person, mosquito net and dais
Magdamag ay under observation si King, may mga itinusok sa kanya na hindi ako familiar pero dahil nagtitiwala ako sa mga nagbabantay doon. Sige lang. Wala sa amin yung magiging gastos maging okay lang si King. Ilalaban ko ito kahit ano ang mangyari.
Umaga hanggang gabi ay dasal lamang ang aming naging ambag sa buhay ni King. Sinalinan ng dugo si King. Nang maibalita sa amin na 135 na ang kanyang platelets ay nagkaroon na kami ng pag asa at nag nonormalize na din daw ang BP nito. Kaya kalmado kami hanggang 12am ng Martes.
AKALA KO OKAY NA.
Hanggang pagsapit ng 3am ay humahangos ang mga Nurse dahil sa pagbabago ng kalagayan ni King. Sobrang bilis ng pangyayari. Bumagsak ng tuluyan ang BP ni King hanggang pati ang puso nya ay naapektuhan. Ang kanyang baga. Nakakaalarma. Hanggang sa tinubuhan na si King. Hanggang sa hindi na nagrereact si King. Pati ang kanyang mga mata ay wala na ding reaksyon. Hanggang sa marinig namin ang mga salita na wala na si King nung 7:30am.
Pinahirapan ng Dengue with Pneumonia si King.
Gumuho ang mundo ko. Bakit at paano nangyari ito.
Akala ko okay na pero bakit nagkaganito?
Maraming tanong. Maraming palaisipan. Pero isa lang ang sigurado. Hindi na ligtas sa paligid ang mga bata.
Kaya sa mga magulang, mga gabay, magsilbing aral nawa ang naging paglalakbay ni King. Bantayan at lagi nating aalalahanin ang kalusugan ng mga bata.
Sobrang hirap King anak. Bakit ngayon pa kung kailan kaya ko nang iparanas sayo yung mga bagay na hindi ko naranasan noon nung bata ako saka mo naman kami iniwan anak. Mamimiss ko yung bawat pagsalubong mo sakin. Yung yakap mo. Yung pagsigaw mo ng Daddy Laban Na. Kaya pala ginagalingan mo sa school dahil gusto mo na matanggap yung regalo ko sayo.
King, anak, para sayo ang pagpapakapagod at pagsusumikap ko dahil gusto kong maging maginhawa ang paglalakbay mo sa mundong ito.
Ikaw ang liwanag sa buhay ko sa tuwing pinapadilim ito ng mundo.
Ngayong wala ka na, sobrang hirap sa amin King.
Marami nagmamahal sayo. Palagi mo kaming babantayan. Mahal na mahal kita.
– Daddy
📸 Filip Soriben ‎ ‎