Gusto naming ipaalam sa publiko ang isang napakasakit at nakakatakot na karanasan na nangyari sa amin.

PABATID SA LAHAT: NANGYARING KARAHASAN SA AMING TAHANAN
Gusto naming ipaalam sa publiko ang isang napakasakit at nakakatakot na karanasan na nangyari sa amin.
Pinasok po kami ng isang lasing na pulis sa aming bahay nang walang warrant. Wala po siyang malinaw na pakay kundi may hinahanap siyang tao na hindi naman niya nakita. Sa halip, kami ang pinagdiskitahan niya.
Sinira niya ang aming pinto, tinutukan kami ng baril, at lahat kami ay sinaktan. kasama ang mga lola ko, at kapatid ko na 16years old lang, at ako mismo.
Kinaladkad niya ang lola ko. Gusto niyang hubaran ang kapatid ko. Hinawakan niya ang maselang bahagi ng katawan ko.
Hindi lang po kami ang biktima. Pinasok din niya ang ilang bahay ng mga kapitbahay namin at ginawa rin ang kahalintulad na pananakit.
Wala po siyang karapatang gawin ito. Wala siyang search warrant, lasing siya, armado, at malinaw na nang-abuso ng kapangyarihan.
Humihingi kami ng tulong at hustisya para sa nangyari. Hindi dapat ito palampasin.
Paki-share po ito upang makarating sa tamang mga ahensya at para matigil na ang ganitong klase ng karahasan.