GURO SA SARANGGANI, HINUBAD ANG SARILING SAPATOS PARA SA ESTUDYANTENG WALANG MAISUOT SA GRADUATION
Isang guro ang kinilala at pinapurihan ng sambayanan matapos ang kanyang di malilimutang kilos ng malasakit para sa kanyang estudyante sa isang graduation ceremony sa National Comprehensive High School.
Sa gitna ng selebrasyon ng pagtatapos, kapansin-pansin ang isang estudyante na nakasuot ng toga pero naka-sandals lamang. Habang ang ibang mga mag-aaral ay nakaayos mula ulo hanggang paa, ang dalagita ay walang suot na sapatos — isang simpleng bagay para sa iba, ngunit napakalaking hadlang sa isang okasyong minsan lang sa buhay.
Nang ito’y mapansin ng gurong si Ma’am Angelica, hindi siya nagdalawang-isip. Lumapit siya sa estudyante, hinubad ang kanyang sariling sapatos, at ibinigay ito sa dalagita upang maisuot sa kanyang pagmartsa at pag-akyat ng entablado.
“Ayokong maramdaman niya na naiiba siya o kulang siya. Gusto ko, pag-akyat niya sa stage, taas-noo siyang makakagraduate,” ani Ma’am Angelica.
“Hindi ko po ginawa ‘yon para sumikat. Ginawa ko lang po kung ano ang dapat—na ang isang guro ay maging ina rin sa kanyang mga estudyante. Gusto ko pong ipadama sa kanya na hindi siya nag-iisa.” – Ma’am Angelica
Marami ang naantig sa ginawang kabutihan ni Ma’am Angelica. Umani ito ng papuri at positibong komento mula sa netizens:
“Ito ang totoong guro — hindi lang nagtuturo ng lessons sa libro, kundi aral ng puso at malasakit.”
“Ma’am Angelica, saludo po kami sa inyo. Hindi ninyo lang tinuruan ang estudyante, kundi ang buong sambayanan.”
“Kung lahat ng guro ay gaya niya, ang edukasyon ay hindi lang magiging matalino, kundi magiging makatao rin.”
Sa panahon kung saan madalas ay nababalot ng kontrobersiya ang mga balita, lumilitaw ang mga tunay na bayani — tahimik, totoo, at may malasakit. Si Ma’am Angelica ay isang paalala na ang pagiging guro ay higit pa sa pagtuturo — ito ay serbisyong may puso.

TEACHER IN SARANGGANI UNLEASHED HIS OWN SHOES FOR STUDENT WHO HAS NOTHING TO WEAR ON GRADUATIONA teacher was recognized and praised by the community after his memorable act of concern for his students in a graduation ceremony at National Comprehensive High School.In the midst of the graduation celebration, a student wearing a toga but only sandals stood out. While other students were groomed from head to toe, the teenager was not wearing shoes — a simple thing for some, but enormous obstacle to a once-in-a-lifetime occasion.When the teacher noticed Ma’am Angelica, she didn’t think twice. He approached the student, took off his own shoes, and gave it to the young girl to wear as she marched and walked the stage.“I don’t want him to feel like he’s different or that he’s lacking.” “I like, when she walks on stage, she’ll be able to graduate high,” said Ma’am Angelica.“I didn’t do that to be famous. I just did the right thing—that a teacher should also be a mother to her students. I want to make her feel that she is not alone. ” – Angelica’s grandmotherMany were touched by the goodness done by Ma’am Angelica. It garnered praise and positive comments from netizens:“This is the true teacher — not only teaching lessons in the book, but lessons of the heart and concern. ”“Ma’am Angelica, we salute you. You did not only teach the student, but the whole community. ”“If all teachers were like him, education would not only be intelligent, but also humane. ”In a time when news is often shrouded in controversy, true heroes emerge — silent, real, and caring. Ma’am Angelica is a reminder that being a teacher is more than just teaching — it is service with a heart.