GURO SA MISAMIS OCCIDENTAL, PINABILIB ANG BAYAN—NAMIGAY NG BIIK, BIGAS, AT SCHOOL SUPPLIES SA GRADUATION!
Hindi lang diploma ang natanggap ng mga mag-aaral ng Bag-ong Anonang Diut Elementary School sa Bonifacio, Misamis Occidental ngayong pagtatapos ng klase. Sa isang makabagbag-damdaming graduation ceremony, bawat estudyante ay umuwi na may dalang biik, buhay na manok, isang sako ng bigas, school supplies, bag, sapatos, at pagkain para sa hayop!
Lahat ng ito ay regalo mula sa kanilang guro na si Jeric B. Maribao, isang kilalang innovator pagdating sa pagtuturo. Nakilala si Sir Jeric sa buong komunidad hindi lamang sa kanyang husay sa pagtuturo, kundi sa pagiging mapagmalasakit sa kanyang mga estudyante. Ayon sa mga ulat, galing sa personal niyang ipon at donasyon mula sa mga online supporters ang pondo para sa mga regalong ito.
“Hindi hadlang ang kakulangan sa pera kung ang puso mo ay para sa mga bata. Gusto kong maiparamdam sa kanila na ang edukasyon ay may gantimpala—hindi lang diploma kundi pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.” – Jeric Maribao
Hindi ito ang unang beses na gumawa ng ingay si Sir Jeric. Dati na siyang nag-viral sa social media dahil sa kanyang dance welcome routine, pamimigay ng vitamins at snacks, at paggamit ng music integration para mas maging masaya at engaging ang mga klase.
Sa panahon ng matitinding hamon sa edukasyon, si Teacher Jeric Maribao ay naging liwanag para sa kanyang mga estudyante—hindi lang sa pagbabahagi ng kaalaman, kundi pati na rin sa malasakit, suporta, at pagmamahal. Pinapatunayan ng kanyang kwento na ang tunay na guro ay hindi lang nagtuturo, kundi nag-aalaga at nagbibigay pag-asa.

TEACHER IN MISAMIS OCCIDENTAL MAKES THE NATION EXCITED—GIVES BIIK, RICE, AND SCHOOL SUPPLIES FOR GRADUATION!Students of Bagong Anonang Diut Elementary School in Bonifacio, Misamis Occidental received not just diplomas this graduation. In an emotional graduation ceremony, each student went home with a trap, a live chicken, a sack of rice, school supplies, a bag, shoes, and animal food!These are all gifts from their teacher Jeric B. Maribao, a known innovator when it comes to teaching. Sir Jeric was recognized by the whole community not only for his teaching excellence, but also for his concern to his students. According to reports, the funds for these gifts came from his personal savings and donations from online supporters.“Lack of money is not a hindrance if your heart is for children. I want them to feel that education is rewarding—not just a diploma but a hope for a better future. Jeric MaribaoThis is not the first time Sir Jeric made a noise. She has already gone viral on social media for her dance welcome routine, handing out vitamins and snacks, and using music integration to make classes more fun and engaging.In times of extreme educational challenges, Teacher Jeric Maribao has been a light for his students—not only in sharing knowledge, but also in caring, support, and love. His story proves that a true teacher does not only teach, but also cares and gives hope.