Gumuho ang isang gusali sa Bangkok, Thailand kasunod ng naitalang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar nitong Biyernes, March 28.

⚠️ LINDOL SA MYANMAR: MGA KAILANGAN MONG MALAMAN
• Dakong 2:20 pm (Philippine Time) nitong Biyernes, 28 March 2025, isang magnitude-7.7 na lindol ang tumama sa kanluran ng siyudad ng Malanday sa gitnang bahagi ng bansang Myanmar sa Southeast Asia.
• Sinundan ito ng M6.4 na aftershocks 12 minuto lang ang nakalipas (2:32 pm PHT).
• Lubhang lakas na pagyanig ang naramdaman sa malaking bahagi ng Myanmar; tinataya ng US Geological Survey na Intensity VIII sa Modified Mercalli Intensity Scale (MMI) na pagyanig ang naranasan sa lugar na pinakamalapit sa episentro ng lindol.
• Nakaranas din ng pagyanig sa mga karatig-bansa na Bangladesh, Thailand, Nepal, India at China, base sa pagtatantsa ng USGS, at ulat ng ilang news agency.
• Wala pang paunang ulat na may namatay dahil sa lindol; pahirapan pa ngayon ang pagkalap ng impormasyon sa pangyayaring ito.
• Walang banta ng tsunami matapos ang lindol na’to.
| 📷: USGS (1st), Sudhir Bhatia (2nd-4th), CJ Platform (5th-7th)
Updated as of 3:29 pm, 28 March 2025
Science Watch Philippines
28 March 2025