GOWN PARA SA JS PROM, ISINUOT SA BUROL NG ESTUDYANTE NA BIKTIMA NG HIT AND RUN SA PANGASINAN

Nakaburol sa kanilang bahay sa Barangay Botao, Sta. Barbara ang labi ng 15–anyos na estudyante na si Marjorie Valencia. Namatay si Marjorie matapos masagasaan ng dalawang sasakyan sa kalsada. Parehong tumakbo o tumakas ang mga driver na nakasagasa sa kanya.

Kwento ng kanyang ina na labis na nagdadalamhati sa nangyari, excited na raw si Marjorie sa nalalapit na JS Prom. May gown na nga siya para rito.
Kaya nagdesisyon ang kanyang pamilya na isuot kay Marjorie ang gown sa kanyang burol. Lagi kasing isinusukat ni Marjorie ang naturang gown.

Sa ngayon, wala pang update sa pagkakakilanlan sa mga driver na nakasagasa kay Marjorie. Nagsusumamo sila ng tulong para mahuli ang mga ito at mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.
