Estudyanteng 80 pesos ang baon noon, nakapagpatayo ng sariling bahay ngayon.
Kilalanin natin si Mark Anthony Aguilar Maregmen, 22 anyos, taga Mayantoc, Tarlac graduate ng Bachelor of Animal Science sa Tarlac Agricultural University ngayong taong 2020.
Panganay si Mark sa mga mag-kakapatid, imposible raw makapag-aral sya sa kolehiyo noon dahil sa financial problem at walang trabaho ang kanyang nanay, mag-sasaka naman ang kanyang tatay. Hindi raw sya masusuportahan sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.
Nag-lakas loob si Mark na gamitin pang-enroll ang kanyang perang 80 pesos kahit raw walang kasiguraduhan sa mga susunod na semester. Nag-dasal si Mark at pinakinggan sya ng panginoon na makapasok sa isa sa pinaka-best scholarship sa unibersidad. At dahil dito ang nakapag-patuloy sya sa kanyang pag-aaral.
Dahil sa laki sa hirap si Mark, nag-doble kayod ito sa buhay para sa kanyang pamilya, nang makapag-On Job Training sa bansang Israel mas lalong pinagbuti ni Mark ang pangarap ng kanyang mga magulang na makapag-patayo ng batong bahay.
Sentro din raw ng panghuhusga si Mark dahil sya ay kuripot, ngunit hindi nagpatinag sa mga sabi-sabi upang tuparin ang mga pangarap.
Ayon sa kanyang facebook post, “Kapatid, itiwala mo lang kay Lord ang mga pangarap mo at isama mo sya palagi. Wala sa itsura at sa estado ng buhay ang makakapagsabi kung sino ka balang araw but your passion and determination will lead you to success! If God blessed me like this, then how much more to you?”
“I hope my story will inspire you, laban lang. Dahil sa otsenta pesos na baon ko araw-araw at tiwala sa Diyos naging posible ang pangarap ng mga magulang ko at pangarap kong makatapos sa pag-aaral” dagdag pa niya.
Nagpa-salamat si Mark sa kanyang mga magulang na naging inspirasyon nyang makapag-tapos ng kolehiyo, sa kanyang mga guro, sa tax payers na nag-paaral sakanya ng libre at sa mga taong humusga sakanya.
Nag-iwan din ng kataga si Mark na “Daig ng taong masipag ang taong matalino.”