DIAGNOSIS : NECROTIZING FASCIITIS VS SEPSIS FROM VIBRIO VULNIFICUS INFECTION (PUNCTURE WOUND FROM TILAPIA)

‼️POSTING FOR AWARENESS‼️
DIAGNOSIS : NECROTIZING FASCIITIS VS SEPSIS FROM VIBRIO VULNIFICUS INFECTION (PUNCTURE WOUND FROM TILAPIA)
April 22 – Morning Namalengki ang mama ko sa Pampang Public Market ng Matusok sya ng Fin ng tumalon na Tilapia sa kaliwang Paa. Paguwi okay pa sya so hinugasan nya at nilagyan ng alcohol at betadine yung natusok. By 5pm din na yun is dinadaing na nya na sobrang kirot nung tusok, so nagdecide na kami na ipacheck up sya sa ER ng AUF Medical Center. Tinurukan agad si mama ng anti-Tetano and at first naging concerning ng sa ER is di bumababa ang Blood Pressure ng Mama ko so nagstay kami sa ER ng almost 5hrs para sa BP nya na bumaba. At nung time na umokay na BP nya dun naman tumaas ang Body Temperature nya ng 39°c , namaga na at nagtutubig na yung paa nya so nagsabi na dun na need iadmit si mama. By this time walang available na room.
April 23 – 6am nagkaavailable room. dun na din kinuhanan ng Dugo, XRAY. Nagtake ng Paracetamol, antibiotic etc. This time inoobserve yung paa ni mama, and by this time nangingitim at namaga na yung paa at nagtutubig.
April 24 – inischedule si mama for operation.
April 25 – Operation Day by this time kinausap kami ng Surgeon and tinapat na may chance na maputulan ng paa mama ko yung case daw ng mama ko is 2nd case palang na nahawakan ng doctor at yung unang pasyente nya ay di na umabot sa OR gawa ng nag-alangan pa if papaputol or hindi yung kamay na natusok. Ang Bacteria daw kasi na ito ay nangangain ng laman.
Natapos operation okay naman good sign daw yung nakita ng surgeon at ntanggal na yung mga laman na infected.
April 26-28 – nagokay naman na lahat.
April 29 – na discharged na si mama.
April 30 – while nililisin sugat ni mama is napansin namen na may nangingitim na part nanaman sa may bandang sakong ni mama at sa 3 daliri nya.
May 1 – Nagdecide ulit na isugod sa ER si mama. Nakausap ng ER mga doctors ni mama at sinuggest na ire-admit ulit si mama at need operahan ulit ang paa
May 2 – Operation Day. Tinanggal yung mga infected na laman sa paa ni mama. and sabi ng doctor na gagawin nila lahat masave lang yung paa. By this time halos makita na yung buto sa 3 daliri ni mama gawa ng tinanggalan ng infected na laman.
May 4 – ininform kame na may mga infection ulit paa ni mama at need operahan ulit.
May 5 – 3rd Operation na ni mama. By this time mabilis lang operation nya ang problema is nagtagal siya sa recovery room dahil sa taas ng BP niya.
May 6 – nakikitaan na ng improvement yung paa at binigyan na ng mga doctor ni mama ng go signal para umuwi
May 7 – na discharged na ulit si mama and now under observation pa din at need ulit ifollow up every week sa doctor.
We are Posting this po to Aware po lahat specially sa mga tao na namamalengke or nagwowork sa palengke to take extra care po sa paghawak, sa paglinis, or pagkain ng tilapia. Patay man or buhay delikado po ang matusok or masugatan ng dahil sa tilapia. Even us po di kami aware na ganito pala kadelikado ang tilapia. Yung akala namin na simpleng tusok ng tilapia is pwede ikaputol or worst ikamatay ng taong natusok nito.
All Blood Test and other lab test ni mama is normal except sa mataas ang infection sa dugo, even blood sugar is tinetest everyday and lahat yun normal.
Sino ba magaakala na we spent so much money ng dahil sa tusok ng tilapia na 140 pesos per kilo lang pero hundred thousands na ang nagastos namin, pero ang important now is naagapan namin pagkalat ng infection kay mama and hopefully is mag tuloy-tuloy na ang pag recover niya.
SO PLEASE PO BE MORE EXTRA CAREFUL