BRIDE, BINAWIAN NG BUHAY ILANG ORAS MATAPOS IKASAL.

BRIDE, BINAWIAN NG BUHAY ILANG ORAS MATAPOS IKASAL. πŸ’”πŸ˜’

Ang pinakahihintay na araw nina Jenny at Jayson De Guzman ay hindi inaasahan na magiging katapusan ng kanilang pagsasama. Noong September 6, sa halip na maging simula ng masayang buhay mag-asawa, ito’y naging araw ng pamamaalam.
Si Jenny, 26-anyos, mula sa Malasiqui, Pangasinan, ay naka-confine sa isang ospital sa Dagupan dahil sa brain tumor. Kahit nasa ganoong kalagayan, natuloy pa rin ang kanilang kasal ni Jayson, ang long-time boyfriend niyang sundalo, bandang 11AM. Pero ilang oras lang matapos ang kanilang wedding, pumanaw si Jenny, iniwan si Jayson at ang kanilang mga anak.
Ang kanilang love story, na nagsimula pa noong 2016, ay puno ng pagmamahalan at sakripisyo. Nagdesisyon silang magsama noong 2018, at sa kabila ng lahat ng pagsubok, nanatiling matatag. Pero nang dumating ang malubhang karamdaman ni Jenny, dalawang linggo na siyang naka-confine sa ospital bago pa man sila ikinasal.
β€œLagi akong nae-excite sa tuwing umaattend ako ng wedding, pero kanina, ito ang pinakamalungkot na wedding na nasaksihan ko. Akala ko sa Facebook ko lang makikita, pero na-witness namin ng personal. Jayson Calimlim De Guzman,
pakatatag ka para sa mga bata. Alam namin kung gaano kasakit ito sayo kasi saksi kami simula pa noong umpisa ng laban ninyo. Jenny Calimlim De Guzman, fly high, gabayan mo sana ang mga anak mo,” ayon sa pinsan ni Jayson.
Credits
Photo/s: Jayson Calimlim De Guzman (Facebook) β€Ž
May be an image of 11 people, hospital and text that says 'CONGRA CONGRA μƒμˆ˜'