BREAKING: LALAKI, SINAKSAK-PAT*Y SA FULGENCIO, BALETE

[Babala: Sensitibong Balita]
BREAKING: LALAKI, SINAKSAK-PAT*Y SA FULGENCIO, BALETE
Sa inisyal na impormasyon, dakong alas 2:00 ngayong hapon nangyari ang insidente kung saan kinilala ang biktima na si alyas “Umbok” habang ang dalawang suspek ay sina alyas “Meloy” at “Rambo”.
Sinasabing naghabulan pa at nagsuntukan ang mga sangkot kung saan may dalang kutsilyo ang isa sa mga suspek.
Tama sa dibdib at hita ang tinamo ng biktima na agad binawian ng buhay.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operation ang Balete PNP at Aklan PPO para mahuli ang mga suspek.
Developing story.