Bangkay ng isang university student nurse na natagpuang patay sa isang bakanteng lote….

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐š๐ญ๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ค๐š๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐ฅ๐จ๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ง๐š๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐š, ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng isang nursing student sa isang unibersidad na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Buenavista, Santiago City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni PMaj Fedimer Quitevis, acting chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office o SCPO na ang babae ay isang labingsiyam na taong gulang na residente ng San Mateo, Isabela.
Ang nakagapos at nakadapang katawan ng dalaga ay natagpuan ng isang construction worker sa ginagawang daan sa nasabing lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng SCPO na hindi natagpuan sa lugar ang dala ng biktima na shoulder bag at cellphone nang umalis sa kanilang boarding house dakong alas kuwatro ng madaling araw para magsamba.
Ayon kay PMaj Quitevis, pinukpok ng matigas na bagay ang mukha ng dalaga na nagdulot ng malubhang sugat sa kanyang noo
Nakaugalian ng dalaga na kapag umaalis sa kanilang boarding house ay nagpapadala siya ng mensahe sa kanyang mga magulang at sa nasabing pagkakataon ay nai-send niya ang body number ng tricycle na sinakyan niya.
Ito ang gagamiting lead ng mga imbestigador sa kanilang pagsisiyasat sa pagpatay sa biktima.
Isasailalim din sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung siya ay biktima rin ng panggagahasa ng suspek.
๐Ÿ“ธSantiago City Police Office