BAGONG SILANG NA SANGGOL, NATAGPUANG PATAY SA BASURAHAN SA ANTIPOLO CITY, RIZAL
Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang wala nang buhay sa isang basurahan sa Antipolo City, Rizal, madaling araw ngayong Martes, Marso 18, 2025. Ayon sa opisyal ng VAWC sa Barangay San Jose, nakabalot sa plastic at nakalagay sa isang kahon ang sanggol.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Barangay San Jose Public Safety Office tinatayang nasa anim hanggang pitong buwang gulang na ang sanggol na babae.
Pinag-aaralan na rin ang kuha ng CCTV na maaaring makatulong para matukoy kung sino ang may dala at nag-iwan ng kahon sa lugar.
Maaaring masampahan ng kaso ang ina ng sanggol o sinumang responsable sa insidente.
Nagpaalala naman ang VAWC sa mga babaeng hindi handang mag-alaga ng anak na makipag-ugnayan sa DSWD para sa nararapat na hakbang sa pagpapa-ampon sa sanggol.| via Blanca Titular and KZ Marasigan, CNA Digital Media And Public Affairs interns
Courtesy: San Jose VAWC
NEWBORN BOND FOUND DEAD IN GARBAGE IN ANTIPOLO CITY, RIZALA newborn baby was found dead in a garbage bin in Antipolo City, Rizal, early morning this Tuesday, March 18, 2025. According to the VAWC officer in Barangay San Jose, the baby was wrapped in plastic and placed in a box.According to the initial investigation of Barangay San Jose Public Safety Office, the baby girl is estimated to be six to seven months old.CCTV footage is also being studied which may help to identify who carried and left a box in the area.The baby’s mother or anyone responsible for the incident could be sued.VAWC also reminded women who are not ready to foster a child to contact DSWD for appropriate steps in child adoption. | via Blanca Titular and KZ Marasigan, CNA Digital Media And Public Affairs internsCourtesy: San Jose VAWC