BABAENG NAANAKAN NG KANYANG STEPFATHER, SA KALSADA LANG NAMAMALAGI MATAPOS LUMAYAS KASAMA ANG KANYANG ANAK.
Isang batang ina at kanyang anak ang nakitang naglalakad sa kalsada malapit sa BDO Imus branch, na tumatak sa puso ng isang netizen na si Marillo Nalliasca. Ang sanggol ay gumagapang sa kalsada, walang diaper, at may mga rashes, habang ang ina naman ay halatang balisa at nawawala sa lugar ng kinalalagyan.
Matapos makita ang kalagayan ng mag-ina, isang mabuting tao ang nagbigay ng gatas at bote sa bata, ngunit tila hindi alam ng batang ina kung paano ito timplahin. Nang lapitan siya ni Marillo at tinuruan kung paano ang tamang paghahanda ng gatas, natuklasan na wala pala silang tahanan. Tumanggi pa siya sa alok na tulungan sa mga awtoridad, at nagbahagi ng isang matinding kwento: “Lumayas po ako sa amin kasi po ang stepfather ko ang tatay ng anak ko.”
Nakaramdam ng labis na awa si Marillo at bumili ng damit at panglamig para sa mag-ina. Ngunit, nang bumalik siya, nawala na ang mag-ina. Tanging ang supot ng gamit nila ang naiwan. Nagdasal siya para sa kanilang kaligtasan at kalagayan.
Nanawagan siya sa pamahalaan ng Imus, Cavite upang sana’y matulungan ang batang ina at ang kanyang anak. Nawa’y mapansin ang kanilang kalagayan at matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.


WOMAN WHO WAS BORN BY HER STEPFATHER, REMAINS ON THE STREET ONLY AFTER LEAVING WITH HER CHILD.A young mother and her child were seen walking on the road near the BDO Imus branch, tapping the heart of a netizen Marillo Nalliasca. The baby is crawling on the road, without a diaper, and with rashes, while the mother is obviously distressed and disappearing from the scene.After seeing the condition of the mother and daughter, a kind man gave milk and bottle to the child, but the young mother didn’t seem to know how to mix it. When Marillo approached him and taught him how to properly prepare milk, he discovered that they were homeless. He even declined the offer to help the authorities, and shared a powerful story: “I ran away from us because my stepfather is the father of my child.” “Marillo felt very sorry and bought clothes and sweaters for the mother and daughter. But, when he returned, the mother and son were gone. Only their bag of stuff was left. He prayed for their safety and well being.She is calling on the government of Imus, Cavite to help the young mother and her child. May their situation be noticed and assist them in their needs.Reminder: Let’s come together to help and spread concern to those in need.