APAT NA KATAO SA PANGASINAN NA NASA GILID LANG NG KALSADA, PINAGSASAKSAK NG LASING NA LALAKI; 1 KUMPIRMADONG PATAY!
Duguan at nakahandusay sa kalsada ang dalawang lalaking ito nang datnan ng mga rumespondeng pulis sa Barangay Bantayan Mangaldan, Pangasinan kagabi.
Ang dalawang biktima kinilalang si Jessie Malanum at Conde Soriano kapwa mga pedicab driver. Pinagsasaksak ng iaang lalaking napadaan sa lugar.
Nagpapagaling sa ospital ang dalawang biktima na nagtamo ng saksak sa tiyan. Dumiretso pa ang lalaki sa Barangay Pogo at muling nanaksak ng dalawang katao. Isa ang kumpirmadong patay.
Ayon sa barangay council, nagtungo pa raw ang suspek sa barangay hall bago maganap ang insidente. Nilapitan ang isang utility worker. Pinagbantaan raw ito ng suspek na papatayin.
Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang suspek. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag. Pero ayon sa kanyang kinakasama, dala lang ng kalasingan ang nangyari.
FOUR PEOPLE IN PANGASINAN JUST ON THE SIDE OF THE ROAD, STABBED BY A DRUNK MAN; 1 CONFIRMED DEAD!These two men were bleeding and on the road when the responding police approached them in Barangay Bantayan Mangaldan, Pangasinan last night.The two victims were identified as Jessie Malanum and Conde Soriano who are also pedicab drivers. Stabbed by a man who passed by the area.Two victims who sustained a stomach stab are recovering in the hospital. The man went straight to Barangay Pogo and stabbed two people again. One was confirmed dead.According to the barangay council, the suspect went to the barangay hall before the incident happened. Approached a utility worker. The suspect threatened to be killed.The suspect was arrested during a police follow-up operation. He refused to make a statement. But according to his accomplice, what happened was only due to alcoholism.