AMANG MAY SIRANG ARTIFICIAL NA PAA, PATULOY SA PAG-SISIKAP MANGAHOY AT MAG-UULING PARA SA PAMILYA

AMANG MAY SIRANG ARTIFICIAL NA PAA, PATULOY SA PAG-SISIKAP MANGAHOY AT MAG-UULING PARA SA PAMILYA
Isa na namang kwento ng tunay na sakripisyo at pagmamahal ang ipinakita ni Mang Jerry mula sa Sultan Kudarat. Sa kabila ng kanyang hirap at kalagayan, patuloy siyang nagsusumikap mangahoy at mag-uuling upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Bagamat may artificial na paa at halos sira na ito, hindi tinatantanan ni Mang Jerry ang trabaho para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Ayon sa kanya, ang pangarap niyang makapagtapos ang mga anak ay magbibigay sa kanila ng magandang buhay sa kabila ng mga pagsubok.
“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko. Kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko,” sabi ni Mang Jerry.
Puno ng pasensya, ginagamit pa niya ang epoxy at goma mula sa gulong ng truck upang ayusin ang nasirang artificial leg. Sa kabila ng mga sugat at kapaltos sa kanyang paa, hindi siya tumitigil, sapagkat alam niyang ang kanyang sakripisyo ay para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
“Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko,” dagdag pa niya.
Kahanga-hanga ang dedikasyon at sakripisyo ni Mang Jerry bilang isang ama. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang pagtitiyaga at pagmamahal sa pamilya. Saludo kami sa mga magulang na tulad ni Mang Jerry na hindi sumusuko para sa kanilang mga anak.