Ang mga Anak na Bastos sa Kanilang mga Magulang 



Ay isang parusa para sa isang magulang. 

Yung pagsagot-sagot mo ng pabalang kapag kinakausap ka, 

Yung pagsigaw-sigaw mo kapag tinatawag ka ng magulang mo. 

Alam mo? Masakit yun para sa kanila. 



Hindi lang nila sinasabi na nasasaktan sila, 

Dahil ayaw nilang magdamdam tayo. 



Ang mga magulang natin, kung meron ka pa…
Hanggat maaari, huwag mong iparamdam sa kanila yung sakit. 

Kasi yan ang unti-unting nagpapahina sa kanila. 



Kaylan mo pa ba sila itatrato ng ayos?
Kapag wala na sila? 



Yung iba sa atin, ganito ang sistema:
Nung nandyan pa, hindi mo pinahahalagahan. 



Tapos nung nawala na, saka mo ngayon hinahanap. 



Kung kailan huli na…
Kung kailan sila ay nawala na… 



Kaya kung may magulang ka pa… 





Hindi pa naman huli ang lahat. 



May oras ka pa para sabihin sa kanila,
Na MAHAL NA MAHAL MO SILA. 



Huwag mo nang hintayin ang araw na magsisisi ka. 



Iparamdam mo na ngayon ang pagmamahal at respeto mo sa kanila. 


