Nalulungkot at naaalarm ako sa balitang may isang motorcycle driver na isang magsasaka, hinuli at hinarass ng LTO Flying Squad dahil lang sa pagdadala ng kutsilyo para sa kanyang trabaho.
Mas nakakabahala pa na kahit nagmamakaawa na ang magsasaka at ipinaliwanag ang rason kung bakit niya dala ang kutsilyo, patuloy pa rin siyang sinisigawan ng mga opisyal.
Nasaan ang malasakit? Nasaan ang pang-unawa? Ang mga awtoridad ay nandito para maglingkod at magprotekta, hindi para manakot at mangmaliit.
Nananawagan ako ng patas na pagtrato at respeto sa karapatan ng magsasaka. Dapat may managot at matigil ang pang-aabuso ng kapangyarihan!
Huwag tayong basta-basta humusga sa ibaโhindi natin alam ang bigat ng pinagdadaanan nila.