Agaw pansin ang 75-anyos na lolo runner sa Bohol na pursigidong tumakbo kahit halos wasak na ang mga sapatos nito…

𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍
TINGNAN: Agaw pansin ang 75-anyos na lolo runner sa Bohol na pursigidong tumakbo kahit halos wasak na ang mga sapatos nito na inaalintana ang kanyang sitwasyon pero pursigido si Lolo na lumahok sa naturang aktibidad.
Siya si Quiruben Abella, isa sa mga lumahok sa Alturas Pink Run 2024 na matagumpay na natapos ang 21km kaya ayon sa mga netizen “Petmalu ka Lolo, idol Kita.”
Nagbigay ng inspirasyon sa publiko ang ipinakitang determinasyon ni Lolo Quiruben na tapusin ang pagtakbo sa kabila ng edad nito, napansin din ng netizens ang suot-suot nitong sapatos na halos warak na pero tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo.
Umani ng papuri at paghanga ang ibinahaging larawan ni Lolo Quiruben kung saan maraming netizens ang naantig at madami ang kagustuhan na mag-sponsor sa kanya ng mga bagong pares ng sapatos.