ABALA SA LAHAT NG MGA BABAE
BAKA MERON KAYONG GANITO






DATE OF OPERATION: SEPTEMBER 2016
BABALA! MAHABA PERO INFORMATIVE!
IM SURE MAKAKATULONG PO SA MGA KAPWA KONG BABAE NA PALAGING SUMASAKIT ANG PUSON KAPAG MY MENSTRUATION / PERIOD.
Hindi dapat tayo maging kampante kapag sumasakit ang puson kapag nagkakaron ng regla. Noon akala ko normal lang lagi yung ganon. Pero hindi pala.
10years old ako nung unang magkaron. Normal naman sya, 3days lang ako palagi at regular ung cycle ko. Pero madalas pag nagkakaron ako malakas sa una o ikalawang araw at masakit, kaya madalas hindi ako pumapasok sa school hindi din ako umaalis. Nahihilo, nanghihina, palaging ganon hanggang sa nag college ako. Dumating pa nga sa point na nahihimatay na ako sa sakit. Which is akala ko nga e normal lang.
2014 nag Japan ako for work and 3months ako nandun winter nun mga time na yon. 3months din ako hindi nagkaron na akala ko dahil lang sa panahon at nanibago katawan ko.
To make the story short, Sept 2016. 1st day ng period ko, morning my stain na yung napkin ko pero sobrang hina. Then pag dating ng hapon biglang sumakit sya ng sobra, hindi sya normal na sakit na nararansan ko as in super namimilipit sya sa sakit hindi ko maexplain yung feeling cguro 10/10 yung sakit (mas masakit pa sa pakikipag break sa boyfriend ko non hhahahah).
Ayun nga, sinubukan ni papa bigyan ako ng bote na may hot water para ipahid sa puson ko pero hindi nagwork at sabi ng hipag ko sobrang namumutla na ako at maitim na yung mga eyebags ko, wala na din lumalabas na dugo sakin so I decided to tell Papa na isugod na ako sa ospital since si Mama ko eh sa PGH nagwowork.
Pag dating namin sa OB sa PGH (Philippine General Hospital). I.E agad ginawa sakin, to check kung may makakapa, at yun na nga, sa right side masakit pagkapa niya at may nakakapa nga siya na bukol. So we decided na magpaconfine para maobserve ako. That time masakit sya pero wala na kong dugo. Kinabukasan pa ko nakaschedule for TRANS V or ultrasound na pinapasok s Vagina.
Kinabukasan, nun chinecheck na ko, may nakita sa right side ng ovary ko na bukol. Malaki na din yung Right Ovary ko (dahil sa Cyst) compared sa Left Ovary ko normal size pa.(gumuho mundo ko non at kung ano ano iniisip ko na baka may cancer na ko or ano kaya wala akong pagod manalangin na sana hindi c4nc#rous yung Cyst ko)
Sabi sakin ng OB ko, yung laki nya sing laki ng pimpong ball so pwede pa sya idaan sa oral medicine. Pero asahan ko daw na yung sakit na nararamdaman ko everytime my regla ko e mararamdaman ko padin, kasi it takes time bago matunaw yung Cyst.
Sabi ni Doctora, swerte ko daw kasi symptomatic ako. Nararamdaman ko daw lahat ng symptoms, yung iba daw kasi walang ganyang feeling pero magugulat na lang isang araw sasakit ng sobra at pag ka check sobrang laki na pala ng Cyst. Kaya dapat talaga regular ang pagpunta sa OB. (tandaan hindi lang para sa buntis, o nagbubuntis ang pagpapacheck sa OB)
So dun kami sa 2nd option na makakasigurado na hindi na ko mahihirapan pa. So we decided na magpaopera na. Hindi sya open surgery, since maliit pa sya at maaagapan pa. Laparoscopy yung procedure na ginawa sakin, binutasan lang yung right and left puson ko na dun yung may camera at may pang cut, pinadaan sa pusod ko yung Cyst. Pinili namin yung procedure na yan kasi sabi ni Doc madugo daw masyado kapag open surgery, tska eto mas madali maghheal sya since pasakay na ko uli ng barko in 1 month nung time na yan..
Tama din naman yung desisyon namin na ipatanggal yung Cyst para maibiopsy sya at malaman kung Malignant (c4nc#rous) o Benign (hindi c4nc#rous)
THANK GOD natanggal na siya at Benign sya. (wala din akong pcos)
Posible daw na dala ko si Cyst since birth kasi may case ako na Constipated ako mula baby. Hirap ako dumumi hanggang sa nagdalaga ako kahit natuto ako mag exercise at magdiet hirap padin ako dumumi kasi posible na natatamaan na yung daluyan ng dumi ko dahil sa nakaharang yung bukol s cyst ko.
Dermoid Cyst sya, isearch nio yung ibang ichura ng Dermoid Cyst sa google sabi ni Doc, tisay daw yung sakin. Dahil na din siguro sa healthy food palagi ang kinakain ko at regular exercise. Kasi yung ibang patient nia nakakatakot ang ichura ng cyst, may ipin pa nga at buhok talaga. May napanood din ako sa YouTube na nagworst yung case nya na nabaliw sya dahil sa cyst na yan.
Sa pagkakatanda ko, ang tawag jan nila MONSTER CYST. Dahil pag hindi naagapan nagkakaron ng brain cells yung Cyst , na umaabot sa utak ng tao kaya dumadating sa point na naghahallucinate na. Yun na ata nangyayari kapag Malignant yung cyst.
So ayun na nga THANK GOD, after 2 years of my operation, normal na yung mens ko ngayon plus wala na kong sakit sa puson na nararamdaman. Nakakagala at nakakaalis na din ako kahit my period ako kasi wala ng iritable sa feeling dahil sa sakit ng puson. Plus normal na din ako magpoop hindi na ko constipated.
Regular nadin pag punta ko sa OB at sabi parang walang bahid ng operation si Ovary ko 


Kaya sana kapag may naramdaman kayong hindi maganda sa katawan niyo, wag baliwalain. At lagi dapat sandata ang panalangin dahil iba padin kapag DIOS ang kumilos satin 

Salamat sa time niyo, sana makatulong to sainyo at makadagdag ng konting kaalaman.
GODBLESS!
