SENIOR CITIZEN PATAY MATAPOS TINAMAAN NG KIDLAT SA BAYAWAN CITY..
Agad nasawi ang isang Senior Citizen matapos tamaan ng kidlat alas-3 ng hapon Oktubre 3, 2022, sa Poblacion Bayawan City Negros Oriental, ang biktima ay si Grasiano Rimbo, 82 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar ,
Ayon sa anak ng biktima na si Rose Ann, naglalayag silang mag-ama kasama ang isang baka habang umuulan, at tinamaan ito ng kidlat sa isang aksidente na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay.
[DAPAT TANDAAN PARA IWAS TAMAAN NG KIDLAT
]

โขKUNG SAKALING NASA LABAS AT NAABUTAN NG KULOG AT KIDLAT:
1. Lumayo sa open field at maghanap ng matibay na masisilungan
2. Huwag gamitin ang cellphone o huwag tangkaing maghanap ng signal
3. Tanggalin ang lahat ng metal accessories sa katawan katulad ng kwintas, relo, at bracelet
4. Kung nasa loob ng kotse: ihinto ang sasakyan, umupo ng tuwid at huwag humawak sa susi o anumang metal
5. Kapag naman nasa labas at wala nang mapupuntahan, gawin ang โlightning safety crouchโ.
Sa lightning safety crouch, gawin ang squat position at pagdikitin ang dalawang sakong. Sa ganitong paraan, hindi na aakyat sa katawan ang shock ng kidlat na mula sa lupa kundi tutulay lamang sa kabilang sakong. Ipikit ang mga mata at takpan ang parehong tenga.
โขKAPAG NASA LOOB NAMAN NG BAHAY:
1. I-unplug lahat ng appliance sa bahay maging ang mga naka-charge na gadgets
2. Iwasang maligo o maghugas ng pinggan
3. Huwag nang kunin ang sinampay kapag kumikidlat
Una ay. I-unplug lahat ng appliance sa bahay maging ang mga naka-charge na gadgets. Sumunod ay iwasang maligo o maghugas ng pinggan. At huwag nang kunin ang sinampay kapag kumikidlat
Samantala, ngayong tag-ulan, hindi man maiiwasan ang mayaโt maya pagkidlat at pagkulog, maaari naman nating maiwasan ang mayaโt mayang banta ng sakuna kapag tayo ay laging handa.
