Lalaki, minasaker ang misis at 2 anak; suspek, nagpakamatay

Lalaki, minasaker ang misis at 2 anak; suspek, nagpakamatay
KORONADAL CITY – PATAY makaraang pagsasaksakin ng isang mister ang kanyang misis at dalawa nilang anak sa Sitio Glandang, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato alas-9:35 kagabi.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay District Kagawad Andy Palate, kinilala nito ang suspek na si Allan Dinal, 37, residente ng naturang lugar.
Matapos aniya saksakin ng suspek gamit ang kutsilyo ang kanyang maybahay na si Beverlyn Dinal, 27, at mga anak na nasa edad 5 at 2-anyos, nagsaksak din umano ito ng sarili na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Pinauwi diumano ng suspek ang misis na nagtatrabaho sa General Santos City dahil may sakit ang kanilang bunsong anak. Subalit, kinagabihan nangyari ang krimen.
Inihayag naman ni Jonathan Dinal, kapatid ng suspek na nakausap pa nito ang kanyang kuya at sinabi na pinatay niya ang kanyang mag-iina.
Maaring selos ang pinag-ugatan ng krimen makaraang hindi aniya ipinahiram ng ginang sa asawa ang kanyang cell phone.
Sa ngayon, plano ng magkakamag-anak na iburol sa mismo bahay ng mga ito ang mga labi ng mga nasawi.
Man kills wife and 2 children; suspect commits suicide
KORONADAL CITY – DEAD after a man stabbed his wife and their two children in Sitio Glandang, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato at 9:35 last night.
In Brigada News FM Koronadal’s interview with District Kagawad Andy Palate, he identified the suspect Allan Dinal, 37, resident of the area.
After the suspect stabbed his wife Beverlyn Dinal, 27, and children aged 5 and 2-year-olds with a knife, he also allegedly stabbed himself causing his death.
The suspect allegedly sent home his wife who works in General Santos City because their youngest child is sick. However, the crime took place last night.
Jonathan Dinal, the suspect’s brother, revealed he even talked to his brother and said he killed his mother and son.
Maybe jealousy is the root cause of the crime when the wife accidentally lent her cell phone to her husband.
So far, the relatives plan to bury the remains of the deceased in the same house as them.