ESTUDYANTENG NAKAYAPAK LANG NA PUMAPASOK SA KLASE, NAGBIGAY PA NG SAGING SA GURO
Bumuhos ang papuri sa batang ito matapos mag-trending ang Facebook post ng kanyang guro.
Umani ng paghanga ang isang estudyante mula sa mga netizen matapos ang nakaaantig na kwento ng grade school teacher na si Ryan James Dueñas. Idinetalye kasi ng naturang guro ang nakatutuwang storya na naganap habang nagkaklase ito.
Kwento ni Dueñas, kasalukuyan syang nagtuturo sa klase nang bigla nyang mapansin na tila hindi mapakali ang isa sa kanyang mga estudyante.
Ayon sa guro, ang nasabing estudyante ay pumapasok araw-araw ng walang sapin sa paa.
Sa gitna ng kanyang klase, nakita nyang akmang may hinahanap umano ang bata sa bag nito. Nang tanungin nya ang bata, sinabi nito na may dinala sya para sa nasabing teacher.
Laking gulat at pasasalamat na lamang ni Dueñas nang ilabas ng kahanga-hangang bata ang isang piling ng saging para sa kanya.
Tumunaw ito sa puso ng maraming netizen dahil sa kabila ng kahirapan ng pamilya ng bata ay nakuha pa nilang magbahagi ng biyaya.
Kinilala ang bata na si Manuel.
Patunay lamang ito na kung sino pa ang mga walang-wala sa buhay ay sila pa ang mas may malasakit na magbahagi ng biyaya sa kapwa.
CREDITS
STUDENT WHO JUST STEPPED INTO CLASS, EVEN GAVE A BANANA TO THE TEACHERThis child was poured in praise after his teacher’s Facebook post went viral.A student garnered admiration from netizens after the touching story of grade school teacher Ryan James Dueñas. Because such a teacher detailed the funny story that happened during this class.Story of Dueñas, he was currently teaching in class when he suddenly noticed that one of his students seemed restless.According to the teacher, the alleged student came to school every day without a footwear.In the middle of his class, he found the child supposedly looking for something in his bag. When he asked the child, he said that he brought something for the said teacher.Dueñas was so surprised and grateful when the amazing kid brought out a banana for him.This melted the hearts of many netizens because despite the poverty of the child’s family they were still able to share a blessing.Met the kid Manuel.This is just proof that those who have nothing in life are more concerned about sharing blessings with others.CREDITS