BATA, UMUWING MAY DALANG SAKO GALING ESKWELA – PUSA PALA ANG LAMAN

BATA, UMUWING MAY DALANG SAKO GALING ESKWELA – PUSA PALA ANG LAMAN
Isang nakakatuwang tagpo ang kumalat online matapos mag-viral ang post ng isang ina tungkol sa pasalubong ng kanyang anak galing eskwela—isang sako na may laman palang isang cute na pusa!
Ayon sa post ng ina, hindi niya inaasahan na ang simpleng ngiti ng kanyang anak habang papauwi ay may dalang “sorpresa.” Pagdating sa bahay, tila may itinatagong lihim ang bata sa dalang sako. Nang buksan, isang malambing na pusa ang tumambad!
🗣️ “Kala ko kung anong ngiti-ngiti ng anak ko… may dala siyang sako galing sa eskwela. Naku, pusa nanaman!” ani ng ina sa kanyang viral na Facebook post.
Bukod sa pagkagulat, napaisip rin ang ina kung bakit basta-basta ibinigay ang pusa sa kanyang anak.
🗣️ “Pero ano kaya ang rason ng owner kung bakit ibinigay ‘yung pusa sa anak ko?” dagdag pa niya.
Wala pang malinaw na sagot kung kusang ibinigay ang pusa o kung pinulot lang ito ng bata, ngunit isa lang ang malinaw — may bagong miyembro ng pamilya silang aalagaan.
“Hindi ko man maintindihan agad ang rason kung bakit may pusa na namang dinala ang anak ko, pero siguro sa puso niya, gusto lang niya ng alagang mayakap. Eh, sino ba naman ang tatanggi sa isang cute na pusa?” -Ina
Ang ganitong simpleng kwento ay patunay na ang kabataan ngayon ay may natural na malasakit at pagmamahal sa hayop. Kahit sa gitna ng simpleng buhay-estudyante, may espasyo pa rin para sa puso ng isang bata na magmahal, mag-ampon, at magbigay ng tahanan sa isang nilalang na nangangailangan.
CHILD, CAME HOME WITH A SACK FROM SCHOOL – TURNS OUT THE CONTENT IS A CAT
A heartwarming encounter went viral after a mom’s post about her son’s school gift went viral—a sack containing a cute cat!
According to the mother’s post, she didn’t expect that her son’s simple smile on the way home would bring a “surprise.” ” When he arrives at home, the child seems to be hiding a secret in the sack. When opened, a sweet cat piled up!
🗣️ “I wonder how my child is smiling… she brought a sack from school. Oh my, a cat again! ” mother’s harvest on her viral Facebook post.
Apart from being shocked, the mother also wondered why the cat was simply handed over to her baby.
🗣️ “But what was the owner’s reason for giving the cat to my child? ” he added more.
There’s no clear answer yet whether the cat was voluntarily given up or if a child just picked it up, but one thing is clear — they have a new family member to foster.
“I may not immediately understand why my child was taken by a cat, but maybe in his heart, he just wanted a pet to cuddle. Well, who can say no to a cute cat? ” -Mother
This simple story is proof that today’s youth have a natural concern and love for animals. Even in the midst of a simple student-life, there is still space for a child’s heart to love, adopt, and give a home to a creature in need.